|
|
| Iiyak na naman ba si Piolo sa 'The Buzz'?Column: Star Nga Ba? DITO sa Bibingkahan restoran sa Las Vegas ni Aling Nora namin nabalitaan na naging question pala sa "Game Ka Na Ba?" itong title ng column natin. Tanong daw ni Edu Manzano sa mga contestants: Ano ang title ng column ni Alfie Lorenzo sa Abante: Star Ka!, Star Nga Ba? or Star Ka Ba? at ang nakasagot daw ay ang babalinang si Cheena with "Star Nga Ba?" Sa Las Vegas, o sa buong Amerika for that matter, hindi mo masiguro kung kelan at anong oras isasalpak ng TFC ang mga regular programs ng Channel 2 from Manila. Kumakain kami ng lunch ng mga kasamahan namin sa "Love Speak" concert nina Juday (Santos) at Ryan (Agoncillo) with a host of 8 front acts when we chanced upon Direk Bobot Mortiz and son. Lahat ng TV sets sa maluwang na restoran ay tuned in sa TFC at hayun, daig pa na nagpapalabas ng taped shows si Aling Nora sa samu't-saring palabas na nire-replay pala from the evening shows to afternoon delights. Halu-halo nga ang palabas - nandoong may GKNB?, may soap na kasunod, tapos TV Patrol naman, then Korina, Ysabella, then Goin Bulilit. Anoh bah? Bigla ka tuloy mahihilo na hindi mo mawari kung may jetlag ka o different time frame at paiba-iba ang oras! Kunsabagay, all-year round naman pala ang servings ng bibingka ni Aling Nora na normally ay during Christmas time lang sa Pilipinas iniihaw, pero sa Las Vegas ay baked bibingka! Sa lahat ng mga artistang nanood ng boksing ni Manny Pacquiao ay pinakahuli sa mga umuwi si Direk Bobot at anak niya dahil naghintay pa sila ng Sabado para manood sa show ng isang balladeer na all time favorite ni Edgar Mortiz during his teen years. First time mapapanood ni Direk Bobot ang idol niya in person. Kasabay namin sa eroplano patungong Los Angeles sina Direk Maryo J. delos Reyes, Jake Tordesillas, Ogie Alcasid at Bong Alvarez. Sa New York daw magbi-birthday si Direk Maryo J., may concert naman sina Ogie at Ai Ai delas Alas sa San Diego, then tuloy sila sa Canada. Manonood naman ng boksing si Bong. Kami naman nina Juday ay nag-overnight sa Los Angeles Double Tree Hotel sa Carson City, then biyahe kami for Las Vegas the next day which was the red-letter day of Pacquiao. Imbitado sina Juday at Ryan sa Pacquiao fight. May apat na reserved tickets kami, pero hindi na namin pinatuloy sa Mandalay Bay sina Juday at Ryan dahil makakagulo lang sila sa iba pang stars na nandoon na like Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Jestoni Alarcon, Edu Manzano, Eddie Gutierrez, Richard Gutierrez, Annabelle Rama, atbp. Imbitado rin kami sa victory party sa Planet Hollywood naman, but we preferred to stay at the Gold Coast Hotel Casino kung saan gaganapin ang show nina Juday at Ryan kinabukasan sa concert hall sa second floor ng hotel-casino. Pagkatapos ng fight ay pinuntahan kami nina Marivin Arayata at Redgie Magno ng GMA 7 with Joe Barrameda sa slot machine area na pinaglalaruan namin. Doon sa mga machines ako inumaga at 'di na nagpalipat-lipat pa ng casino, tutal naman after the show the next day we were staying for another 5 days pa para maglibot at ibili ng mga Coca-Cola souvenirs ang kaibigang Edd de Leon! Kahit na nasa Las Vegas kami ay hindi natahimik ang cellfone namin na walang humpay ang mga text messages from the Philippines at mga tawag as if nasa Pilipinas lang kami. Kaya up to date kami sa mga nangyayari sa bansa, as if we never left. Kaya na-scoop sa amin itong diumano, eh pagkakakita ni Lolita Solis sa Sofitel hotel kina Papa Piolo ko at Sam Milby namin! *** Until this date kilala si Lolita Solis bilang the one and only "Scam Queen" ng Manila Film Festival that brought her the infamous "Startalk" now on its 13th year. Lolit stood pat on what she supposedly saw with her glassy eyes of two men sweet to each other, whispering sweet nothings in each other's ears as if the coffee shop was a private function room na dalawa lang silang nandoon at unmindful sila o ang mga waiters sa paligid nila. We agreed with what our friend Ricky Lo said in his Phil. Star column: "So what's wrong with Piolo and Sam having coffee together?" by justifying the presence of Piolo and Sam in the place where Lolit Solis supposedly saw them, pinalaki ng Star Magic ang issue (made issue of a non-issue) and gave credence to what Lolit supposedly saw or...invented! Kung hindi pala sina Piolo at Sam ang nakita ni Lolita, they, the Star Magic kingdom could just have shrugged off the issue as nonsensical at pinanghawakan na lang sana nila ang "kawalang kredibilidad" ni Lolita bilang "Scam Queen". Kung ako 'yun, ipagkikibit-balikat ko lang 'yun sabay irap ng "imbento lang ni Lolita 'yun!" But no! The Star Magic kingdom preferred to dignify Lolita's claim. Hayun tuloy at naging very credible tuloy ang Harbat Queen, kasi pinatulan ng mga dignified and respected powers-that-be. Oh, hindi ba naman nailuklok pa ang bruhang Bati Queen sa luklukang hindi naman niya hinangad pero nasuwertehan? Lolit's Sunday Pilipino Star Ngayon column headlined: "Alfie Lorenzo, may pasasabugin din tungkol kay Piolo". Okey, fine. But this is not the one. That is another issue. Hindi namin susuportahan si Lolita sa pagkakataong ito dahil baka maagawan pa namin siya ng komisyon! Ha! Ha! Ha! Ha! As it is, mukhang like in the past, she would readily walk away with this one too - like a walk in the park. May banta pa raw na demanda kay Lolita ang Star Magic kingdom. Oh, well... what else is new? On second thought, bago pa kami bumiyahe patungong California ay sagaran na ang promo at pag-iingay about Piolo dahil sa concert niyang a full one month and a half pa naman magaganap by the end of November. Sari-saring talks na and issues ang inilalatag about Piolo para lang pag-usapan siya and be in the limelight para makatawag-pansin sa November 30 concert niya sa Araneta Coliseum na pustahan tayo eh, magiging blockbuster and filled to the rafters. Gasino na lang ang ipamigay ng libre ang mga tickets for the concert! Unlike Juday's 20th showbiz anniversary sa Araneta Coliseum na pati mga free tickets ay hinold pa at 'di pinamigay kaya sinasabi nilang hindi napuno ang Araneta! In a way nagagamit din ang "ingay" na itong nilikha ni Lolita. Dati na namang pinag-iisipan ng ganyan sina Piolo at Sam. Hindi ba pati na 'yung mga "doctored" photos ng dalawa na holding hands pa eh dinepensahan din ng Star Magic kingdom. Oh, heto na naman ang lumang paksa na nabigyan uli ng panibagong anggulo na kay-daling madedepensahan ng Magic kingdom as in the past. Iiyak na naman ba si Piolo sa "The Buzz" like as usual? Pero dapat naman sigurong maging consistent ang Magic kingdom sa depensa nila. Pinaglalayo nila kunwari ang dalawa, pero sino ang pinagsasama nila sa mga shows here and abroad kundi 'yung dalawa pa rin? Papaano matitigil ang malalaswang sitsit kung palagi silang seen together? Hayun sila sa ASAP kamakalawa at magkaduweto na naman. Sa abroad ay walang singer silang kasama na puwedeng ma-link sa kanila like Anne Curtis man lang kaya o ang dating kasamang si Rica Peralejo. Bakit ang kasama nina Piolo at Sam eh si Pokwang na hindi puwedeng ma-link sinuman kina Piolo at Sam? Hindi ba ayaw daw ni Piolo na umibig muna si Sam sa sinumang babae at "career" daw muna ang asikasuhin niya? Open for talks and temptation sina Piolo at Sam. Kasalanan din 'yan ng Magic kingdom, dahil they are not doing anything to medicate the funny situation and open fodder for gossip and loose talks na parang sila pa mismo ang nag-iimbita para paghina- (Sundan sa pahina 9) laan ng kung anu-ano ang dalawang papable na matagal ng sinasabing making "papa" to each other! Now, whose fault is it, Lolita's or Magic kingdom? Kay-dali ngang sabihin ngayon na komo taga-GMA 7 si Lolita at kalabang mortal ng ABS-CBN 2 ang kinaaaniban niyang istasyon (kahit na may mga talents si Lolita na hired ng Dos like Christopher de Leon, Tonton Gutierrez, Amy Austria & others) ay "sinisiraan" kuno ni Lolita ang mga flag bearers ng Dos? At hindi kaya ma-banned na ang mga talents ni Lolit sa Dos from now on ...if and when nga na may mag-materialized na demanda kuno? Well, what's next to put my Papa Piolo again on front page? Source: Abante |