Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ikamamatay ko 'pag nagkahiwalay kami ni Dingdong -- Marian

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

INAMIN on national television sa programang SOP ng GMA-7 ni Marian Rivera na "mahal na mahal" niya si Dingdong Dantes.

"Hindi siya nanghihinayang na nakilala niya ako . Ikamamatay ko kung magkahiwalay kami,"nakakikilig na tinuran ni Marian.

Very emotional sa pagsasabi ang dalawang bida ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad-yang sa kanilang feelings sa isa't isa.

Tuloy sa pagtatapat ni Marian na mahal niya si Dingdong, nagpatawa ang host na si Ogie Alcasid at sinabing nakakainggit silang dalawa dahil talagang nagmamahalan sila.

Bale farewell presentation sa SOP ng Ang Babaeng Hinugot sa A-king Tadyang.

Naroon ang buong cast at lahat sila'y malungkot dahil magkakahiwalay-hiwalay na ang nabuong barkada-han nila sa set.

* * *

PANG-INTERNATIONAL na talaga ang appeal ni Manny Pacquiao buhat ng tawagin siyang No. 1 pound for pound boxer of the world.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, dahil sa kasikatan ni Manny sa boxing sports mas maraming international commercial na gagawin si Manny ngayong taon.

Tanging si Manny lang ang Pinoy boxer na nakaabot nang ganitong tagumpay.

Kaya naman sa susu-nod na laban niya kay Ricky Hatton sa MGM Grand Hotel ay sold out na umano ang ticket.

Ganyang ka-popular si Manny ngayon sa boxing world.

Samantala, inamin ng asawa ni Manny na si Jinkee na mayroon na silang walong bahay sa iba't ibang lugar.

May tatlo silang bahay dito sa Metro Manila, tatlo rin sa General Santos City, tig-isa sa Davao City at ang huli'y sa exclusive subdivision sa Los Angeles, ang Hancock Park.

Lugar ito ng mga celebrity sa California.

"Bumibili kami ng property para investment namin. Para na ito sa future naming mag-asawa at aming mga anak," ani Jinkee.

Pagdating sa Pilipinas, madaragdagan ang show ni Manny sa GMA-7 bukod sa every Saturday na Pinoy Records.

* * *

TIYAK na magbabad ang anime lovers ngayong summer sa TV5 dahil da-lawang matitinding anime power ang madaragdag sa animazing ANIMEGA hour ngayong linggo.

Simula sa April 27 ay palabas na ang mystery anime na Detective Labyrinth at ang sword-fighting action na Destiny Warriors (Juushin Enbu) simula ngayong April 27.

Isang manga adaptation na inspired by the supernatural, tungkol sa isang lalaking may kapangyarihang makaintindi ng mga misteryosong pangyayari ang istorya ng Detective Labyrinth.

Mula naman sa author ng multi-award winning anime na Full Metal Alchemist ang Destiny Warriors (Juushin Enbu), na tadtad naman ng fantasy mixed with Chinese folklore at sword-swinging heroes.

Abangan ang bagong anime shows with Detective Labyrinth sa alas-6:30 ng gabi, kasunod ang Destiny Warriors (Juu-shin Enbu) sa ala-7 ng gabi sa weekdays sa ANIMEGA onTV5.

* * *

MAPAPANOOD na ang inaabangang episode ni JC Tiuseco sa Hole in the Wall sa Tuesday night.

Maraming matutuwang kababaihan at ba-ding sa episode dahil ibiinuyangyang ni JC ang kanyang "santol" sa harapan.

"Santol" ang tawag nina Tess Bomb at Wilma Doesnt sa bukol ni JC sa harapan.

Kasi, obvious na conscious si JC sa suot ni-yang costume bilang contestants ng show na hapit na hapit sa buong katawan.

Kaya off camera ay pinatakpan niya ng harapan niya sa ibaba ng helmet habang nakikipag-usap sa press.

Kasama din sa natu-rang sa episode sina Rochelle Pangilinan at Momoy Palaboy.

Hosts ng programa sina Angelina (Ogie Alcasid) at Yaya (Michael V).

* * *

May following pala ang evening newscast ng TV5 na T. E. N. (The Evening News) lalo na sa mga nakababatang viewers.

Naging effective nga ang slightly relaxed approach ng T. E. N. sa pagdadala ng balita para mas makuha ang attention ng kabataan at maengganyong alamin ang current events gabi-gabi.

Tamang-tama ang nai-sip na news format na ito ng TV5 para maiba ito sa nakagawiang newscast ng ibang network.

Sa T. E. N. inihahatid ang mahahalagang balita sa bawat araw bilang Top 10, na parang top 10 most requested songs sa radyo o top 10 music videos sa MTV na patok na patok sa mga kabataan.

Kitang-kita rin ang kahusayan, interes at integridad ng dalawang news anchors ng T. E. N. na sina Martin Andanar at Cheri Mercado kahit na light ang pag-deliver nila news.

Bukod sa Top 10 news ng T. E. N. , mayroon din itong side features na informative at nakakaaliw panoorin.

Siksik na siksik ng relevant na balita ang 30 minutes ng T. E. N. gabi-gabi at talagang bagay na bagay ito sa youth viewers.

Tamang-tama din na kasunod ito ng gabi-ga-bing blockbuster Hollywood movies ng 5Max Movies dahil hindi na naglilipat ng channel ang viewers at patuloy na tumututok sa TV5.

Kakaiba rin ang binabanggit ni Martin Andanar na tagline sa dulo "Relax. Chill. " na nakaka-relate sa mga kabataan.

Source: Taliba