Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ilang taga-Dos imbiyerna sa palpak na desisyon ni Manny Pacquiao

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Talo pa ni Manny Pacquiao ang lahat ng sikat na artista ng GMA-7 dahil sa asikaso at pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Biruin mo nga naman na dalawa pang GMA execs ang lumipad mismo sa Amerika para kumbinsihin ang Pambansang Kamao na manatili sa Siyete at huwag nang lumipat sa kalabang network.

Hindi talaga papayagan ng GMA-7 na mawala sa bakuran nila si Manny dahil nag-aakyat ito ng limpak-limpak na salapi sa network (at sa Solar Sports) pagda-ting sa katakut-takot na commercial spots sa mga laban nito.

Talo rin ng mga laban ni Pacquiao ang lahat ng top-rated shows ng GMA-7.

Halos nakakakuha ng 50 plus na rating ang international fights ni Pacman kung ikukumpara sa pinakamalakas na teleserye ng GMA-7 na nakaka-40 plus sa ra-ting.

Siyempre, wala pa rito ang prestige na ibinibigay nito sa network sa pagkakaroon ng "greatest pound by pound fighter in the world" among its roster of talents!

Kaya naman tuluy-tuloy lang ang ligaya kasi mana-natiling Kapuso si Manny.

Pero ano itong narinig namin na kahit na nagbigay na ng official press release ang ABS-CBN na "they are still wishing all the best for Manny" sa darating na laban nito kay Hatton kahit hindi na tuloy ang pag-air ng laban sa Dos, may ibang Kapamilya ang hindi maialis ang pagkaimbiyerna sa pagbabagu-bago ng isip ni Pacquiao, particularly ang i-lang mga artista at host ng Dos.

Well, hindi naman natin sila masisisi kung saka-sakali dahil gusto rin naman nilang maging Kapamilya ulit si Manny.

Ang importante dito, magbuklud-buklod tayong lahat sa panalangin na manalo ulit si Manny sa laban nito kay Hatton dahil karangalan ulit sa bansa natin kung mananalo si Pacquiao!

* * *

KATWIRAN ni Geoff Eigenman, he doesn't mind kung second choice lang siya after JC de Vera sa Ganti, ang pilot episode ng SRO Cinemaserye.

Natutuwa lang siya at nagsisilbing vehicle ito sa pagbabalik-Kapuso niya.

Lumipat siya noong 2004 sa ABS-CBN dahil gusto ng kanyang manager na si Perry (na manager din ni Dingdong Dantes) na subukan naman ang ibang network.

Pero balik-GMA nga siya ngayong 2009 dahil mas maaasikaso raw siya ng manager niya dito komo nga taga-Siyete talaga si Perry.

Nagugulat siya sa na-ririnig niya na crush siya ni Michelle Madrigal ngayon kasi noong parehong nasa ABS-CBN pa sila ay wala namang ganoong factor na namamagitan sa kanilang other than being colleagues and friends.

"Pero kung gusto niya talaga ako, eh, 'di huwag na kaming maging friends. We could notch up our relationship a little higher," pahayag ni Geoff na palaban din.

Sa totoo lang, palaban na nga si Geoff pagdating sa pagpapa-sexy.

He's 24 years old na at pumayag na nga siyang mag-pose na briefs habang nakalublob sa isang bath tub sa Cosmo 69 Bachelors last September.

Source: Taliba