Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ina ni Cogie, nag-imbestiga

Cogie Domingo

Author: Abu Tilamzik

Dinumog ng media si Ruffa Gutierrez nang dumating sa NAIA nung Huwebes nang gabi kasama ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice.

Nakasimangot ang dalawang bagets at mukhang may sumpong na dahil sa sobrang pagod sa haba ng biyahe. Hirap na hirap pa si Ruffa sa pagbitbit sa kanyang mga anak dahil sa ayaw pabitbit sa iba. Lalo siyang nahirapan dahil isang yaya lang ang dala niya, dahil hindi niya alam na kailangan pa pala ng visa papuntang Pilipinas kaya hindi na nakasama ang isang yaya na walang visa.

Mga TV guesting ang haharapin dito ni Ruffa at ilang mga intriga tungkol sa kanila ni Yilmaz.

Ang hiwalayang isyu ay pinagtawanan na lang ni Ruffa dahil wala raw katotohanan iyun. Sa first birthday celebration dito ni Venice ay baka dumating daw si Yilmaz para matigil na ang ganung isyu.

Kasama ni Ruffa ang kanyang SiSter-in-law at ilang cousins-in-law kaya malayo ang isyung may problema silang mag-asawa.

Sumalubong kay Ruffa ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Natawa na lang si Tito Eddie sa isyung nagkakaproblema sila ni Tita Annabelle. Natagalan lang daw siya sa Amerika dahil sa may sakit doon ang isa niyang kapatid. Imposible rin daw ang isyung hiwalayan sa kanilang mag-asawa.

Lahat ng mga isyung ito ay sasagutin ni Ruffa sa Startalk ngayong hapon.

***

SaStartalk pa rin ay sasagutin ng Mommy Zeny ni Cogie ang isyung kinasangkutan ng anak dahil sa patuloy na pagsasalita nitong Felice na naanakan umano ni Cogie.

Inamin ni Mommy Zeny na nagkaroon din siya ng duda at baka si Cogie ang nakabuntis dito pero kinausap niya nang masinsinan ang kanyang anak at naniwala siya sa lahat ng mga sinabi nito.

Bukod sa pinag-usapan nilang mag-ina, nag-imbestiga ang ina ni Cogie para malaman ang katotohanan.

May nadiskubre si Mommy Zeny kaya naniwala siyang pawang kasinungalingan ang ibinintang kay Cogie.

"Ayoko na lang sabihing isa-isa dahil ayoko namang manira ng kapwa. Pero alam ni Felice yun at mas alam niya kung sino ang ama ng kanyang anak," bahagi ng pahayag ni Mommy Zeny.

Ito na raw ang unat huling pagsasalita ni Mommy Zeny tungkol sa isyu dahil nakapapagod na raw silang patulan. Basta, napatunayan daw niyang totoo ang lahat ng mga sinabi ni Cogie at tama na raw iyun.

Kung nangangailangan daw ng tulong sina Felice, pwede silang tumulong pero huwag na raw sanang idamay si Cogie na walang kinalaman sa pangyayaring ito.

Ang mensahe ni Mommy Zeny kay Felice: "Pangalawang beses na siyang nagkamali na pinanindigan niya. Sa pangatlo niyang pagkakamali, sana, panindigan na rin niya dahil nakaaawa ang anak ko na idinadamay niya sa gulong ito."

***

Narito ang overnight ratings nu[ng nakaraang Huwebes:

101 Proposal 7.5% vs. Endless Love 6.8%;

Homeboy 10.9% vs. SiS 10.5%;

Rubi 17.2% vs. Beautiful Days 16.7%;

Game Ka Na Ba 17.8% vs. Eat Bulaga 27%;

Wowowee 17.1% vs. Daisy Siete 21.2%;

Kapamilya Cinema 14.8% vs. Kung Mamahalin Mo Lang Ako 17.1% at Now and Forever 15.9%;

Pasion de Amor 13% at Meteor Garden 12.9% vs. All For Love 14%;

TV Patrol World 20.6% vs. 24 Oras 30.1%;

Mga Anghel Na Walang Langit 24.7% vs. Extra Challenge 31.1%;

Ikaw ang Lahat sa Akin 24.9% vs. Darna 38.4%; Kampanerang Kuba 25% vs.Encantadia 41%;

Pinoy Big Brother 25.4% vs. Sugo 35.9%;

Greenrose 23.1% vs. Attic Cat 29.9%;

Maalaala Mo Kaya 16.7% vs. Magpakailanman 21.8%;

Insider 6.8% vs. Saksi 11.9%.

***

Nakaaawa raw ang nangyari sa isang baguhang independent producer na nagsimulang gumawa ng pelikula pero mukhang nagkakaproblema pa.

Ayon sa aming source, kinuha ng producer na ito si Camille Pratts para magbida sa pelikula.

Nagsimula na raw silang mag-shooting pero nagkaproblema dahil sa dami raw ng demands ng kampo ni Camille.

Maliit na producer lang daw sila at nagSiSimula pa kaya hindi raw nila maibigay ang lahat ng hinihingi ng kampo ni Camille.

Gusto raw ng kampo ni Camille na may video asSiSt sa shooting at hindi raw sila kumportable sa direkor at ilang staff na gusto nilang palitan.

Natigil ang shooting nila dahil sa problema nila sa hinihingi ng manager ni Camille.

Baka ang ending daw nito, mapilitan silang palitan si Camille.

 

Source: Abante Tonite