Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Inaabangang pagbabalik ni Vhong magaganap na

Author: Leo M. Bukas
Column: Footlose

Nagbabalik na si Vhong Navarro. Sunud-sunod ang kanyang box-office hits sa Mr. Suave, Hesus ng D Anothers, Agent X44 at ang TV hit na Lastikman.

Pero, pagkatapos ng Lastikman, pansamantala siyang nawala sa eksena.
Ngayon, ang inaabangang pagbabalik ni Vhong ay matutupad na via Supah Papalicious.

"Todo na 'to. Hinding hindi n'yo makalilimutan ang pelikulang inihahanda namin para sa inyo," wika ni Vhong nang makausap namin. "Haping hapi ako na sa akin napunta ang role na 'to dahil tawa ako nang tawa noong binabasa ko pa lang ang script. Tapos si Manong Gilbert (Perez) pa ang direktor, so ini-expect ko ang kakaibang atake sa comedy!

"Ang gagaling din ng mga kasama ko, sina Makisig (Morales) at Valerie (Concepcion). So, kumpletos recados talaga!" dagdag pa ni Vhong.

Pagkatapos ng hosting, susubukan naman ni Valerie ang comedy sa pelikulang ito.
"First time kong gumawa ng ganitong kala-king pelikula. I'm deeply honored and thankful sa Star Cinema kasi they gave me a chance to be Vhong's leading lady and takot ako at the same time, super excited dahil comedy naman itong ginagawa ko, something I haven't done before. "

Susubukan naman ng child superstar na si Makisig Morales ang pelikula at makakasama pa niya ang prince of comedy na si Vhong.

Pagkatapos ng hit series na Super Inggo at Pedro Penduko at mga Engkantao, malayung-malayo na talaga ang narating ni Ma-kisig.

"Grabe po ang blessing na 'to ang bata-bata ko pa. Alagang-alaga talaga ako ng ABS-CBN at ngayon ng Star Cinema. Tapos si Supahpapalicious pa ang kasama ko. Saya- saya!"
* * *
NAG-EMOTE sa amin last week ang Bikini Open champion na si Sofia Lee dahil sa balitang nasulat na-take-25 daw siya sa isang eksena sa pelikulang Tiltil na pinagbibidahan ng tatlong seksing babae na si-na Pia Peron, Sachie San-ders at Jean Andrew.

Hindi raw 'yon totoo, ayon mismo kay Sofia. Na-take-5 lang daw siya at hindi siya ang naging dahilan kung bakit na-imbiyerna sa set ang direktor ng movie na si Buboy Tan.

"Baguhan lang ako, pero hindi naman ako ganu'n katanga. Nawala lang ako sa concentration. And I admire Direk Buboy kasi kahit na-take-5 ako, naging pasensyoso siya sa akin," wika pa niya.

Dapat sana ay magwu-workshop muna si Sofia bago sumalang sa pag-arte kaya lang dahil isinama na siya sa movie, nawalan na siya ng time. In fairness, promising ang beauty ni Sofia, di ba, Danny Batuigas?

Source: Taliba