|
|
| Int'l cable channel to feature Dingdong DantesAuthor: Fidel Jimenez Matapos itanghal na world's third sexiest man ng E! Entertainment channel noong nakaraang taon, isa pa raw international cable TV channel ang interesadong gumawa ng feature story tungkol sa Kapuso star na si Dingdong Dantes. Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes, kinumpirma ni Dingdong ang planong proyekto ng isang international cable TV channel pero hindi muna niya binanggit kung saang bansa. "May isang magpi-feature na foreign channel. Sometime or first quarter this year...sa lahat ng nagawa ko mula nang magsimula ako rito sa industry, parang recap," kwento ni Dingdong na busy sa pagsasanay sa pagtugtog ng saxophone. Ang pagtugtog ng saxophone ay kailangan daw kasi ng karakter ni Dingdong sa bagong Kapuso soap na "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," kung saan kasama niya si Marian Rivera. Sinabing bagay na bagay kay Dingdong ang maging sax player dahil nakadadagdag ito sa kanyang kaseksihan. "Never ko namang kini-claim 'yan basta ako kung ano yung kailangan sa script, siyempre depende sa mood ng eksena. If they see it sexy that's their opinion, their perception," paliwanag ng aktor. Lumabas na sa US at Europe ang episode kung saan tinanghal si Dingdong na third sexiest man in the world ng E!-Channel sa Hollywood at malapit na rin daw itong ipalabas sa Pilipinas. At dahil sa international exposure na nakakamit ni Dingdong, hindi maaalis ang posibilidad na magkaroon na rin siya ng mga offer sa labas ng bansa. "Why not, di ba? Pero siyempre I would always want to maximize whatever is here first, siyempre who wouldn't want to go global," pahayag ng seksing aktor. Source: GMANews |