|
|
| Iringang Isabel at Nadine, humupa naColumn: Basta ANG cute ng screensaver ng cellphone ni Isabel Oli na picture ni Paolo Contis when the actor was three years old. Nakyutan ang actress sa puro mata na litraro ng nobyo't siguro'y marami pang pictures nito sa kanyang phone. Anyway, happy si Isabel na humupa na ang isyu sa kanila ni Nadine Samonte, pero hindi pa rin namin masulat na okey na sila after silang pagharapin, dahil magsisinungaling kami. Sabihin na lang natin na civil sila 'pag nagkikita sa taping ng Maging Akin Ka Lamang, na in fairness, kahit may conflict sa dalawang bida ay mataas pa rin ang rating. After this soap, hindi muna siguro nila gugustuhing magsama sa show kahit primetime na wish ni Isabel. Nahirapan si Isabel sa role niyang si Rosita sa MAKL na kailangang laging nakapustura at may dalawang rape scenes. Una niyang ni-rape si Polo Ravales at ni-rape naman siya ni Carlo Aquino. Proud daw si Paolo at marunong siyang mang-rape, pero 'di napanood ang rape scene ni Isabel kay Carlo, kung saan, muntik makita ang kanyang panty. Abangan natin ang eksenang mag-aaway sina Isabel at Elsa (Nadine) at baka totohanin nila ang sampalan at sabunutan. Maliit ang face ni Isabel at malalaki ang palad ni Nadine. Promise, issue na naman ito. * * * MAGDIRIWANG ang male readers at buyers ng FHM, dahil ang March issue ay back-to-back cover sina Niña Jose at Hazel Ann Mendoza, na talagang nagseseksihan sa skimpy two-piece swimsuit na suot. End of this month ang labas nito, may radio tour sila at may autograph signing. Guest din sa SOP sa Sunday si Hazel to promote the magazine. Ipinagmamalaki ng dalawang walang retoke sa katawan nila at tunay ang 36-26-36 vital stats ni Niña at ang 36-25-35 vital stats ni Hazel. Sabi ng una, kaya siya pumayag mag-pose nang sexy ay to prove na at 19 years old, kaya niyang magpa-sexy. Si Hazel nama'y gustong mag-try ng something new at ang paglabas sa FHM ang naisip. Kung natuloy, kahapon pumirma ng kontrata sa Regal ang dalawa at si Niña, two movies agad ang gagawin. Kasama siya sa My Sweet Papa at ilu-launch sa Kolehiyala, pero una siyang mapapanood sa Half-Blood Samurai. Lagot pala si Polo Ravales kay Jean Garcia sa inamin ni Niña na "Polo and I are dating," na iba sa sinabi ng actor na nagkayayaan lang silang lumabas after their rehearsal for their March 1 show at Zirkoh Greenhills, Rubirubi@Boyz. Com. * * * BIGATIN agad ang guests ni Charlene Gonzales sa re-launching ng Proudly Filipina ng Q-11 sa February 29, 7 p. m. Na-interview niya sina Tito and Vic Sotto at Joey de Leon at ang misis nina Tito at Joey na sina Helen Gamboa at Eileen Macapagal. Kasama rin sa interview si Malou Choa-Fagar ng Eat Bulaga at Tape, Inc. Sobrang honored si Charlene na ma-interview ang TVJ at sabi nito: "I've waited for 16 years bago matupad ang dream kong ma-interview na complete sila. Without any offense, living legends na sila at institution, kaya medyo kinabahan ako, pero accommodating sila. I can't thank them enough sa pagpayag nilang ma-interview ko. " Ang show muna niya sa Q-11 ang focus ni Charlene at ang pag-a-anchor sa coronation night ng Bb. Pilipinas sa March 8, na ite-telecast sa GMA-7. Simula na ba ito ng paglabas niya sa GMA-7? Posible bang mapasama siya sa cast ng Dyesebel? "Nabasa ko lang ang tungkol doon, no formality at the moment. I don't wanna jump the gun, enjoy muna ako sa Proudly Filipina," wika nito. Pinasasalamatan pala ng Q-11 ang Dusit Hotel, Jollibee, Pido at Saver's Appliance Depot sa ibinigay na tulong para maging successful at bongga ang presscon ng show ni Charlene. * * * PAGBIGYAN kaya ng GMA-7 ang request ng marami na ipalabas uli ang eksena ni Robin Padilla sa Joaquin Bordado na tumatakbong hubo't hubad? Harang daw ang eksena't malayo ang kuha. Tinakpan pa ang katawan ng actor. Hay, manood na lang kaya kayo! Gaya this Friday, matutunton ni Cifero (John Regala) si Joaquin at maglalaban sila, pero dahil hindi pa alam gamitin ni Joaquin ang power ng kanyang mga tattoo, sasamantalahin ito ni Cifero. * * * EXCITING na naman ang Marimar sa pagkikita nina Marimar at Angelika (Katrina Halili) at sa paghabol ng huli sa una, mahuhulog siya sa hagdan. Magagalit lalo si Angelika na si Marimar lang ang kikilalaning chairman at president ng Aldama Group of Companies. Nakatunog na si Angelika na si Rodrigo ang nakalibing sa hukay, kaya umeskapo na sina Sergio (Dingdong Dantes), Cruzita at Corazon (Manilyn Reynes). Malas lang na narinig ni Perfecta (Mel Kimura) kung saan sila pupunta. Source: People's Tonight |