Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iri-release na kaya ng Papa Gabby ko si Juday? Reactions here and there and everywhere!

Iri-release na kaya ng Papa Gabby ko si Juday? Reactions here and there and everywhere!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

AY, bongga ang “Startalk” ng GMA 7, ha! Sinundan pa ni Butch Francisco sina Juday at Ryan Agoncillo sa Paris para lang maunahan talaga si Sharon Cuneta sa exclusive interview niya sa mag-sweetheart na engaged na to build a house muna bago magpakasal.

Sa matagumpay na gi­na­wang pag-iwas ni Juday na mainterbyu ng iba, komo nakapangako siya sa Ate Shawie niya, sinamantala siguro ni Butch ang jetlag ni Juday na hindi alam ang araw at oras ng patutunguhan ng pag-uusap nila ni Butch kaya ang end-result, na-outscoop si Sharon!

But no, iba naman ang takbo ng interbyu ni Sharon, kasi mas detal­yado siguro 'yung kay Shawie at may landian ang magkapatid.

Ok na ok naman din 'yung phone patch ni Butch or feed sa Startalk dahil mistulang live from Paris, France pa nga!

Nakahinga nang ma­luwag si Gorgy Rula dahil nasira pala 'yung tape interview nila sa airport kina Juday at Ryan, kaya thankful si Gorgy at na­imbitahan si Butch Fran­cisco sa Paris Cinema, kaya nandoon ito at na­ging posible ang nagawang phone patch.

Eh, bakit kaya ang Papa Piolo ko hindi napansin ni Butch? Bakit wala rin siyang phone patch sa Papa Piolo ko at sa halip na “Dekada '70” na supporting role lang siya, bakit kaya hindi 'yung launching movie niyang “Lagarista” ang dinala roon?

Baka magkainteres pa ang Paris Cinema dahil novelty 'yun sa lugar na 'yun -- tapos 'yun dapat ang dinobol sa “Serbis” movie ni Dante Mendoza.
Aba, mas bongga!

Baka 'yun pa ang pi­nag-usapan sa lahat ng mga entries! Kasi sila, hindi marunong mag-isip ng tama, debah Noel Ferrer? Korek!

Pagkatapos nila sa appointment nila sa U.S. embassy for their working visa, ang haharapin naman kinagabihan ni Juday (if escorted by Ryan) ay ang dinner nila with my Papa Gabby sa 9501.

May mga katanu­ngan na nga ngayon, if my Papa Gabby will release Juday where she can be queen? Masagot na kaya 'yung mga pananabo­tahe sa career ni Juday even if contract star siya ng ABS-CBN at Star Cinema?

O tulad ng dati na makukuha lang sa super-denial? And will this “tammy” be present to defend her “case” against Juday and Star Cinema -- o pagtataguin na lang ni Tita Aida or whoever para manatiling malabo ang statement ng bruhang 'yan, thereby forcing me to sing like Debbie Reynolds ng, “tammy, tammy, tammy's in love”?

Abangan ang bonggang pasabog sa buwan ng Hulyo!
***

Nilait daw ng madir ng nililigawan niya itong starlet (o starless?) na si Jason Abalos?

Uhum... wala na ya­tang magandang nangyari sa batang ito na hindi rin daw pumapatol sa bakla ah, Albert Sunga!

Oh loko, eh 'di pinatulan ka ngayon ng madir ng iyong dearest!

Hindi kami magtatawa kundi maaawa sa batang hindi pa nga settled ang career, kalibugan na ang kinakarir! Ang masasambit ko lang eh, aba-lost na naman pala si Jason!
***

Buo na ang pamilya Concepcion sa ABS-CBN, hindi lang ang mga pamilya Santos kung ganoon.

Nandyan na ang ama nilang si Gabby Concepcion na ayaw hiwala­yan ng intriga, ang batang singer na si Sam Concepcion, ang dalagang ina na si Valerie Concepcion, si KC Concepcion na spitting image ng amang si Gabo.

Sino kaya sa mga Concepcion ang mas sisikat kesa kay Gabby? Sayang umeksit na si Alma Concepcion -- disin sana eh may ina na sila.

Source: Abante