Is Melissa Ricks being courted by Rayver Cruz and Ahron Villena? Author: MJ Felipe Tila si Melissa Ricks ngayon ang bagong center of attention ng mga young actors sa showbiz lalo na sa bakuran ng Kapamilya network. Bukod sa kaniyang on-screen partner na si Matt Evans ay nagpapalipad-hangin din daw ngayon si Jake Cuenca sa kanya. Nauna nang nilinaw ni Jake na malapit lang siya kay Melissa at walang katotohanan ang isyung binasted daw siya ng young actress dahil 'di raw boto ang mga magulang nito sa kanya. Sinuportahan naman din ito ni Melissa at sinabing 'di naman daw nangliligaw si Jake sa kanya at magkaibigan lang daw sila. Ngayon naman, may mga bagong pangalan na namang nagsisi-usbungan. Pinopormahan din daw ngayon ni Rayver Cruz si Melissa. Ayon sa bali-balita at bulung-bulungan, dahil 'di daw masyadong makausad sa pangliligaw itong si Rayver kay Sarah Geronimo ay kay Melissa Ricks na raw bumaling ang tingin nito. Nagpapadala pa daw ng mga kung ano-anong regalo si Rayver kay Mel. Pero ano pa itong narinig namin na pati ang Precious Hearts Romances Presents: Bud Brothers actor na si Ahron Villena e nagpapalipad-hangin rin sa kanya? Hiningan namin ng paglilinaw si Melissa tungkol sa mga bago daw niyang mga manliligaw. "Ahron Villena? Oh no, he's been a friend since MTB days pa," paliwanag ni Mel. Pero may katotohanan ba ang isyung nagpapadala si Ahron ng chocolates at flowers sa kanya? "No! Naku, saan na naman nanggaling yan. Parang Rayver issue lang ha. Hahaha! Never siyang nagbigay sa akin ng anything." 'Di man pala nagbibigay at nagpapadala ng flowers at chocolates itong si Ahron, pero si Rayver naman kaya? "No, parang issue kasi ni Rayver yan e. Kasi 'di ko alam kung saan nagsimula. Both of them never nanligaw sa akin," sagot niya. At for the record, tinanong namin kung nanligaw ba ever si Rayver sa kanya, ang tanging maiksing sagot ni Melissa, "Never!" Ang haba pa rin talaga ng hair ni Melissa kahit nagpagupit na siya ng buhok. Mapapanood si Melissa araw-araw sa Kambal sa Uma bilang si Ella, pagkatapos ng Wowowee sa Hapontastic ng ABS-CBN. Source: ABS-CBN Interactive |