Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Isa pang aktres biktima rin ni Carlene

Hindi lamang pala si Cristine Reyes ang nakatikim ng bangis ni Carlene Aguilar nang dahil sa pag-ibig niya kay Dennis Trillo.

 

Isa pang aktres biktima rin ni Carlene

Carlene Aguilar

Column: Take It! Take It!
Author: Lolit Solis

Hindi lamang pala si Cristine Reyes ang nakatikim ng bangis ni Carlene Aguilar nang dahil sa pag-ibig niya kay Dennis Trillo.

Naging biktima rin daw ng tapang ni Carlene ang aktres na na-link din noon sa fadir ng kanyang anak.

Ang tsismis, hinanap ni Carlene ang cellphone number ng aktres at nang malaman niya ang numero, may-I-call niya with matching talak ang aktres.

Afraid na afraid daw ang aktres kay Carlene dahil hindi niya ine-expect na girera ang dating beauty queen.

Hanggang kailan manunugod si Carlene? Hindi puwede na palagi niyang susugurin ang girls na mali-link kay Dennis.

Kailangang i-remind kay Carlene na bilog ang mundo. Baka makakita siya ng katapat!

* * *

Uusisain ko pa ang aking anak-anakan na si Jenny Miller sa participation niya sa engkuwentro nina Carlene at Cristine.

Si Jenny ang dahilan ng pagpunta ni Carlene sa taping ng All Star K dahil friends sila. Pumunta siya sa Broadway Centrum studio para ibigay kay Jenny ang kanyang pasalubong.

Pinagdududahan na scripted ang pagpunta ni Carlene sa Broadway Centrum dahil puwede raw silang magkita ni Jenny sa ibang lugar, bakit napili nila na magtagpo sa studio na kinaroroonan din ni Cristine?

Bukas ko ikukuwento sa inyo ang buong detalye dahil aalamin ko muna ang buong pangyayari mula kay Jenny.

* * *

Bakas na bakas sa mukha ni Papa Erap ang sobrang lungkot dahil sa aksidente na nangyari kay Senator Rene Saguisag at sa asawa nito.

Matalik na kaibigan ng mga Estrada ang mga Saguisag na hindi nang-iwan sa gitna ng laban.

Nakaka-relate ako sa lungkot na nararam­da­man ni Papa Erap dahil kakilala ko ng personal si Mrs. Dulce Saguisag.

Ipinaalam na kaya kay Senator Saguisag ang pagpanaw ng kanyang asawa?

Nakakalungkot isipin na ililibing si Dulce nang hindi siya nakikita ni Senator Rene dahil nasa ICU pa ito.

Naalaala ko tuloy ang aksidente na nangyari noon sa direktor na si Lino Brocka.

Kasama ni Lino sa aksidente si William Lorenzo pero hindi muna ipinaalam dito ang pagkamatay ng kanyang mentor dahil na-confine din siya noon sa ICU.

Matagal bago nalaman ni William na namatay sa aksidente ang isa sa pinakamahuhusay na direktor sa Pilipinas.

Pauwi na sina Lino at William nang maganap ang aksidente sa East Avenue.

Nanggaling sila sa Spindle Bar sa Timog dahil pinanood nila ang show ni Malu Barry.

Bumangga ang kotse na sinasakyan nina Lino at William sa poste sa harap ng PLDT na halos katabi ng Philippine Heart Center.

Nagluksa ang buong showbiz sa maagang pag­panaw ni Lino na hanggang ngayon eh iniingatan ko ang mga short note na ipinadala niya noon sa akin.

* * *

Affected na raw ang isang aktor dahil hindi mama­tay-matay ang mga tsismis tungkol sa pakikipagma­butihan ng kanyang girlfriend sa ibang mhin na artista rin.

Ang feeling ng friends ng aktor, nakarma ito dahil kung sino-sino rin ang kanyang nakarelasyon na hindi niya sineryoso.

True love daw ang nararamdaman ng aktor para sa girlfriend niya pero hindi na matindi ang pagma­mahal nito sa kanya.

Hurt na hurt daw ang aktor kapag nalalaman nito na magka­sama ang kanyang girlfriend at ang aktor na nali-link dito pero wala siyang magawa.

Ano ang puwedeng gawin ng aktor? Eh di mag-move on na siya. Ipakita rin niya sa kanyang girlfriend na makahahanap siya ng ibang babae na magma­mahal sa kanya ng lubos at wagas. Lubos at wagas daw o!

Source: Pilipino Star Ngayon