Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Isabel Oli nagpalit ng number para makaiwas sa ex

Isabel Oli nagpalit ng number para makaiwas sa ex

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HAYAGANG sinabi sa press ng anak nina Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa na si CJ Caparas na gusto niyang mag-artista basta ang partner lang niya ay si Marian Rivera.

Talagang hindi raw mapigilang humanga ni CJ sa kagandahan at alindog ni Marian. Lalo pa nang nakita niya ang dalaga sa press launch ng latest soap ng aktres na Ang Babaeng Hinu-got sa Aking Tadyang na balik-tambalan sa TV nina Marian at Dingdong Dantes.

May hilig ding sumunod sa yapak ng kanyang parents si CJ. Ang butihing ina niyang si Donna ay sikat na artista noong kapanahunan nito. 'Di lang artista si Donna noon, producer pa siya ng magagandang movies na ginawa nilang mag-asawa. Guwapo si CJ na pinaghalong Donna at Carlo ang mukha. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan na tamang-tama for a leading man.

Samantala, ang soap na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ay magsisimula nang ipalabas ngayong gabi sa primetime ng GMA-7.

* * *

LALABAS na kapatid na addict ni Marian Rivera si Mart Escudero sa soap na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ang soap ay likha ni Carlo J. Caparas na unang pinagbidahan sa pelikula nina Vivian Velez at Eddie Rodriguez.

Sa istorya ay bilang kapatid ni Marian si Mart Escudero na problemado sa buhay. Nang mag-guest si Mart sa Eat Bulaga last Saturday, nasabi niyang ibang Mart ang mapapanood sa soap. Hindi raw siya 'yong usual boy next door type of role.

Nitong Sunday ay muling nabuhay ang love team nina ni Jenica Garcia at Mart Escudero sa 3rd episode ng istoryang tampok sa Dear Friend na may titulong Bulong ng Puso.

* * *

STAR STUDDED event ang napanood sa SOP last Sunday.

Kumanta at sumayaw si Melissa R ng Pussycat Dolls mula sa America na kababayan pala ni Ogie Alcasid. Taga-Batangas din si Melissa na umuwi lang sa 'Pinas para magbakasyon at mag-shopping. Ini-launch din sa SOP ni Marian ng kanyang MTV para sa dance album na Sabay-Sabay Tayo.

Si Angelica dela Cruz ay nag-baby shower. Malapit na kasi siyang manganak.

Ang bagong programa ni Paolo Contis na My Dad si Better Than Your Dad ay nagkakaroon din ng launching sa SOP.

* * *

FLATTERED si Sen. Bong Revilla kapag napapasama ang pangalan niya sa mga pinagpipilian sa presidentiable para sa 2010 elections.

Inamin ni Bong na na-papasama ang pangalan niya sa pinagpipilian ng kanyang partido sa pag-kapangulo sa 2010 elections. Tinatanggap naman ni Bong ang mga hamon sa buhay at mga biyaya at ginagampanan niya ang mga ito nang buong puso.

Anyway, mahal ni Bong ang programa niyang Kap's Amazing Stories dahil sa ganda ni-to at educational pa. Maraming mga bata ang sumusubaybay sa kanyang programa dahil informative ito.

* * *

WALA pang balak si Paolo Contis na pakasalan ngayong taon si Lian Paz ng EB Babes.

Ang masasabi niya, happy siya sa kanyang relasyon ngayon. Kita naman sa mukha ni Paolo na inspired siyang mag-trabaho dahil in love tala-ga. Pakakasalan daw niya si Lian sa tamang panahon.

Nakausap namin si Paolo sa set ng bagong programa ng GMA-7 na My Dad Is Better Than Your Dad na magsisimulang mapanood sa Kapuso sa Sunday (Feb. 8) bilang kapalit ng Family Feud Celebrity Edition.

Samantala, hingggil sa ex-GF niyang si Isabel Oli, hindi pa raw sila nagkikita simula ng magkahiwalay sila. Never din silang nagte-text sa isa't isa o nag-usap sa phone. Nagpalit na raw kasi ng SIM card si Isabel kaya gustuhin man niyang i-text ito o kausapin 'di rin niya magagawa.

Minahal naman daw ni Paolo si Isabel ng 110 percent noon. Sa ngayon, naipakilala na siya ni Lian sa parents ng dalaga. Si Paolo naman ay approved ng kanyang parents ang pakikipagrelasyon kay Lian.

* * *

KARANGALAN ng Pilipinas na ang tulad ni Christian Bautista ay nakakapag-concert abroad like in Jakarta, Indonesia. Sikat si Christian sa Indonesia dahil nag-hit doon ang record niyang The Way You Look at Me noong 2004. Nakikita pa siya sa iba't ibang commercial sa island na ito. Four years nang sikat si Christian sa mga Indonesian. Gaganapin ang concert niya sa Feb. 13, 8 p. m. sa Times Square, Grand Indonesia Shopping Town.

* * *

TULOY pa rin ang kasi-yahan sa panonood ng Takeshi's Castle nitong Sunday sa GMA-7. Bagong local games ang kinatampukan nina Joey de Leon at Ryan Yllana kung saan katulong sina Pekto at John Feir sa annotations ng games mula sa original film clips ng Takeshi's sa Japan. Malapit nang maubos ang film clips mula Japan kaya papalitan na ang programang ito ng bagong show nina Joey at Ryan, ang Joey's Quirky World na original show ng GMA-7.

Source: Taliba