|
|
| Isabel, imbiyerna kay Paolo!Author: Nitz Miralles First time naming narinig magsalita si Isabel Oli with fire at nangyari ito sa Showbiz Central last Sunday at may kinalaman sa ex nitong si Paolo Contis. Obvious na na-hurt si Isabel sa comment ni Paolo na dapat tumigil na ang aktres sa pagsasabing close pa rin siya sa pamilya ng actor kahit matagal na silang break. Sinundan pa 'yon ni Paolo ng comment na pamilya na ng pamilya niya si Lian Paz na preggy sa first baby nila. Sagot ni Isabel na medyo maigting, "Dapat, Paolo, alam mo kung anong klaseng tao ako, 'di ako ang gumagawa noon. " Patuloy ni Isabel, nananatili ang respeto niya sa pamilya ng actor, pero February o March pa niya huling nakausap ang ina nito. Hindi rin daw siya nag-i-expect na iimbitahan siya sa binyag ng baby nina Paolo at Lian o sa kanilang kasal. "'Wag na lang," sabi ni Isabel. May interview din ang Showbiz Central sa composer ng gagawing English album ni Manny Pacquiao sa States. Bukod kay Manny, pumirma rin ng contract si Lito Camo at tapos na ang first song ng album na Dangerous. Happy si Manny dahil 'di na lang daw boxing ang pagkakaabalahan niya, pati na pagkanta. May coverage rin ng launching ng S magazine na ginawa sa lobby ng GMA Network, pero walang report kung sino ang best-dressed at worst-dressed na binanggit ng mga dumalong press. Ilang linggo na ang nakararaan, pero nasa cloud 9 pa rin si Heart Evangelista sa pagkakapanalo niyang best actress sa FAMAS. Lalo raw siyang na-inspire na pagbutihin pa ang trabaho at isa rito'y ang Full House na balik-tambalan nila ni Richard Gutierrez. Disappointed lang kami as a viewer nang 'di pangalanan ni Heart kung sino ang nagbigay sa kanya ng Tiffany ring na ipina-auction niya at mapupunta sa victims nina Ondoy at Pepeng. * * * Kapamilya na nga uli si Robin Padilla dahil siya ang kapareha ni Kris Aquino sa bagong soap ng ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo. Ginanap ang storycon ng soap kagabi sa Romulo Cafe sa Doctor Lazcano St. , Quezon City, at sa November 13 na ang first taping day. Kasama rin sa soap sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Maricar Reyes, Coco Martin, Gina Alajar at ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson. To be directed by Erick Salud and Trina Dayrit ang soap na tungkol sa mother and daughter relationship at iere kung 'di sa January 25 ay sa February 8, 2010. Pre-birthday presentation ito ni Kris. Ang unang balita'y pelikula sa Star Cinema ang gagawin ni Robin, pero mas nauna pa siyang gagawa ng soap. Family drama raw ang tema ng Kung Tayo'y Magkakalayo na mula pa rin sa kanta ni Rey Valera, iba sa action series na ginagawa ni Robin sa GMA-7. Source: People's Tonight |