Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Isabel may 'ka-close' nang basketball star

Author: Joferd Nievera
Column: Sagap

SA pag-amin ni Isabel Oli na isinoli niya ang engagement ring na bigay sa kanya noon ni Paolo Contis matapos silang mag-break, hinala ng marami, ang singsing ding ito ang siyang ibinigay ng Kapuso aktor sa ba-gong syotang si Lian Paz.

Ayaw man magsalita ni Isabel sa isyung ito, tila nangungutya naman ang mga ngiti nang huma-rap ang aktres sa Gimme Mo segment ng Showbiz Central nitong Linggo.

Inamin din ni Isabel na two weeks lang ni-yang iniyakan ang break up nila ni Paolo matapos niyang mapanood ang in-terbyu sa dating nobyo kasama ang ipinalit na girlfriend na si Lian.

Sinabi rin ni Isabel na hindi pa siya handang magkaroon ng new boyfriend lalo't halos tatlong buwan pa lang ang break up nila ni Paolo.

"Hindi pa ako handang makipagrelasyon dahil may kaunti pang pain. Higit sa lahat para hindi naman unfair sa aking magiging bagong nobyo," sey ni Isabel.

Pinabulaanan din ng aktres ang tsismis na may-roon na rin siyang nobyo na isang basketball star. "Friend ko lang siya (ang basketball star). Actually, best friend ko na siya kahit noong kami pa ni Paolo," paliwanag ng magandang aktres.

Para tulu-yan nang ma-kalimutan si Paolo ay gina-ya rin ni Isabel ang ginawa noon ni Karylle to move on agad sa hiwalayan nila ni Dingdong Dantes.

"Pray nang pray na lang ako para tuluyan nang makalimutan ko ang mga nakaraan," dagdag ni Isabel.

* * *

KUNG saan-saan na lang nakikitang naglalakuwatsa at kung kani-kanino na lang tumitira itong si Geneva Cruz kaya nababalitang hiwalay na ito sa asawang si KC Montero, na kasalukuyang nasa U. S. Samantalang ang singer ay nandito sa bansa kung saan wala namang gaanong pinagkakaabalahang anumang TV show o concert.

Bakit hindi na lang daw nito samahan sa Amerika si KC para doon at least ay magkasama silang dalawa at magtulungan sa anumang puwede nilang pagkakitaan. Sa panayam sa mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero, pinabulaanan nilang hiwalay na si-na Geneva at KC.

"It's not true," ito ang nasambit ng Fil-Am actor sa hiwalayan isyu ng kapa-tid at ni Geneva .

Dagdag paliwanag naman ni Aubrey: "Physically separated sila, pero okey ang kanilang relas-yon. "

Uuwi raw sa Pilipinas si KC, pero hindi alam ng dalawa kung babalikan niya ang showbiz.

* * *

BINATANG-AMA pala si Yo Ocampo ang nababalitang boyfriend ngayon ni Carlene Aguilar, na sinang-ayunan naman ng beauty queen-actress. Pero, hindi pa rin daw niya nakikita ang anak ng nobyo dahil nasa pangangalaga iyon ng dating dyowa ng businessman.

Okey lang daw ito kay Carlene dahil pareho lang naman sila ni Yo na mayroong anak na.

Basta ang mahalaga sa aktres ay magkasundo raw sila ng BF na very supportive sa showbiz career niya at kanyang pag-aaral.

Gustung-gusto raw ni Carlene na makapagtapos ng pag-aaral sa U. P. dahil ito raw ang puwede ni-yang maipagmalaki sa anak at magiging daan para magpursigi rin itong mag-aral balang-araw.

Balitang hindi man lang daw tiningnan ni Dennis Trillo ang sexy pictorial ni Carlene sa FHM magasin kung saan siya ang cover.
* * *
BAGAY na bagay pala si Karylle bilang host ng Entertainment Live nang mapanood namin siya noong Sabado.

Talagang hindi pahuhuli ang galing nitong mag-host sa mga kasamahang sina Toni Gonzaga, Bianca Lapus at Luis Manzano.

Sa nasabing showbiz-oriented show ay talagang lumutang ang pagiging madaldal ni Karylle. Halata rin naming naging masayahin na si Karylle sa hosting na tila walang bakas ng kanyang malungkot na karanasan sa pag-ibig.

Source: Taliba