|
|
| Isabel, tikom ang bibig sa tsismis na buntis si Lian!![]() Author: Ruel Mendoza NAG-ENJOY si Isabel Oli sa pag-volunteer sa repacking at distribution ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Sabi nga ni Isabel, sa mga blessings na natatanggap niya, tama lang na tumulong siya sa mga nangangailangan ng tulong ngayon. “Naiiyak ako kapag napapanood ko ang mga taong nahihirapan ngayon sa baha at sa mga evacuation centers. Kaya I am doing my share na tumulong. Aside sa binigay kong cash donation, bumili rin ako ng mga canned goods, noodles, rice at mga damit para sa mga biktima. “It feels good na nakakatulong ka sa alam mong paraan. Paraan na rin ito nang pasasalamat ko sa mga natatanggap kong blessings. Aside sa magkakasunod na trabaho ko, okey na ang pakiramdam ng daddy ko. He's doing okay now kaya lagi akong nagpapasalamat sa Diyos,” nakangiting pahayag ni Isabel. Pagkatapos ngang mapanood si Isabel sa Rosalinda, kasama naman siya sa cast ng Kaya Kong Abutin Ang Langit bilang si Therese na originally ay ginampanan ni Arlene Muhlach sa movie. Alam nga ni Isabel na mamamatay ang character niya sa series kaya may kasunod agad siyang project. At ito ay ang Full House, na kung saan siya ang gaganap sa role na Lorraine. “Natuwa naman ako noong isama nila ako sa cast ng Full House. Muli kong makakatrabaho si Richard (Gutierrez) who was my first leading man in my first drama series in GMA-7 na Sugo. And first time ko naman makakatrabaho si Heart Evangelista. Kaya I have so much to thank God talaga.” Ano naman ang masasabi niya na three months pregnant na raw si Lian Paz, ang current girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Paolo Contis. “What do people want me to say ba?” nakangiting sagot niya. “I've moved on already. It's been nine months na. Hanggang ngayon ba 'yan pa rin ang gusto nilang pag-usapan? It's already history. “Kung anuman ang totoo sa balitang 'yan, si Paolo na lang ang makakasagot niyan. As far as I am concerned, wala na ako diyan.” Inamin naman ni Isabel na nakikipag-date siya ngayon, pero wala pang serious involvement. “Mas gusto kong magtrabaho at makasama ang mga friends ko. Yes I do date, pero hanggang doon lang. Mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang ibang tao,” sambit na lang ni Isabel. Source: Abante |