Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Isang hamon kay Piolo

SEEN: Hanga at saludo si Piolo Pascual kay Dolly Anne Carvajal dahil naniniwala raw sa kato­to­hanan ang entertainment columnist ng Philippine Daily Inquirer na nagsulat na hearsay lamang ang kuwento ni Lolit Solis na nakita nito na magkasam...

 

Isang hamon kay Piolo

Wet Piolo Pascual

Column: Seen Scene
Author: Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hanga at saludo si Piolo Pascual kay Dolly Anne Carvajal dahil naniniwala raw sa kato­to­hanan ang entertainment columnist ng Philippine Daily Inquirer na nagsulat na hearsay lamang ang kuwento ni Lolit Solis na nakita nito na magkasama sa coffee shop ng Sofiitel sina Piolo at Sam Milby.

Ipinahayag ni Piolo sa The Buzz noong Linggo na natutuwa siya sa isinulat ni Dolly Anne at dumami pa raw sana ang mga katulad ni Dolly Anne dahil importante ang may kredibilidad sa pagsu­sulat.

Hayaan natin si Piolo sa kanyang paniniwala pero hinahamon siya ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) na ba­sahin ang blind item ni Dolly Anne na lumabas sa column nito noong October 29, 2007 at nasa ilalim ng Guess Who category.

Siguradong may laptop si Piolo. Magiging madali sa kanya na i-search sa internet ang blind item ni Dolly Anne at sa talino ni Piolo, imposible na hindi niya mahulaan ang subject ng blind item.

SCENE: Por delicadeza, hindi na dapat nagsa­lita si Rufa Mae Quinto na mali ang paglapit at pagbulong ni Carlene Aguilar kay Cristine Reyes nang magpang-abot sila sa taping ng All Star K noong isang linggo.

Uncalled for ang statement ni Rufa Mae sa Showbiz Central dahil nakalimutan niya na minsan din silang nagkaroon ng relasyon ni Dennis Trillo habang girlfriend pa nito si Carlene.

Nakisawsaw sa isyu si Rufa Mae. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan para maungkat ang na­karaan nila ni Dennis at pagiging agrabyado ni Carlene.

SEEN: Hahanga kay Ara ang PSG kung pani­nin­­­­digan nito ang desisyon na huwag magsalita tung­kol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng kanyang kapatid at ni Carlene.

Hindi na dapat itanong ni Ara kung ano ang kara­patan ni Carlene na sugurin si Carlene dahil alam ng buong bayan ang kasagutan. Si Carlene ang ina ng anak ni Dennis. Siya ang babae na pilit na pinaniniwala ni Dennis na wala itong relasyon kay Cristine.

SCENE: Hindi bago sa showbiz ang eksena nina Carlene at Cristine dahil ginawa na ito noon ni Janice de Belen kay Vanessa del Bianco.

Mas madrama nga lang ang pagharap ni Janice sa ex-girlfriend ng kanyang ex-husband na si John Estrada dahil nagdala pa siya ng props na cake na ibinigay niya kay Vanessa. Kung binabatikos si Carlene dahil sa kapangahasan na ipinakita niya, pihadong nakaka-relate sa kanya si Janice.

SEEN: Dapat i-reinvent ni Janno Gibbs ang sarili dahil boring na ang kanyang personality. Hindi na bu­ma­bata si Janno kaya nararapat na ku­milos at manamit siya ng naaayon sa kan­yang edad. Si Jojo Alejar ang itinuturing na 80's Icon pero ang totoo, si Janno ang simbolo ng dekada '80 da­hil kung ano ang itsura niya noon, ga­noon pa rin ang kanyang itsura ngayon.

Sa mga ayaw maniwala sa obser­basyon ng Seen/Scene, panoorin ninyo ang SOP para maramdaman n'yo rin ang boredom ng televiewers sa tuwing si Janno ang performer.

Source: Pilipino Star Ngayon