Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Issues kay Manny, 'di makatutulong sa MMFF entry

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

HINDI ang pagkaka-link ni Anne Curtis sa kung sinu-sinong aktor ang ikinababahala niya, kundi ang pagdami ng nunal sa katawan.

Sa presscon nga ng Maging Sino Ka Man (Book 2), ipinakita nito ang ilang nunal sa katawan, kabilang ang mga tumubo malapit sa kanyang dibdib.

"Takot ako na baka cancerous ang mga ito. May nagsabing ipatanggal ko na habang maaga para malaman kung bakit naglalabasan. Dapat matanggal daw 'yung pinaka-mother mole," dagdag pa ni Anne.

Anyway, masaya ang aktres kahit loveless. Ninanamnam daw niya ang pagiging single habang bata pa. Kapag may boyfriend daw kasi siya, maraming bawal.

Ang pagiging close kay Sam Milby ay isa lamang sa mga ini-enjoy ni Anne.

* * *

SI Iza Calzado ang sasalang sa hot seat ng Balakubak portion ng Nuts Entertainment sa GMA-7 bukas ng gabi.

Kasama kaya sa mga itinanong sa kanya nina Joey de Leon, Janno Gibbs at Anjo Yllana kung may naramdaman siyang kakaiba sa love scenes niya with Ken Chu at Joem Bascon sa Batanes?

Kinunan nga pala ang naturang NE episode sa Club Manila East Resort & Hotel sa Taytay, Rizal, kung saan sumabak din si Iza sa iba't ibang signature games kasama sina Ariel at Maverick, Gwen Garci, Vaness del Moral, Paolo Paraiso at ang NE barkada.

* * *

Manny Pacquiao should do something about kung sinuman ang gumagawa ng hindi magandang tsismis about his Anak ni Kumander MMFF entry.

Hindi maganda na pagkatapos ma-link sa leading lady na si Ara Mina, kay Valerie Concepcion naman siya ngayon pilit na nili-link.

Ang grabe, pati ang maybahay niyang si Jinkee Pacquiao, isinasangkot din sa isyu. Kesyo nag-text daw ito kay Valerie na susugurin sa isang noontime show.

Eh, ang gusto lang naman ni Manny ay makatulong sa local movie industry at mabigyan ng trabaho ang mga inactive na character actor at stuntmen.

Kung hindi maganda ang magiging resulta ng Anak ni Kumander sa takilya, pa'no pa niya matutulungan ang maliliit na trabahador sa pelikula? Kaya, tigilan na ang negative write-ups para lang mapag-usapan ang movie. Hindi ito makatutulong.

Tingnan n'yo na lang ang nangyari sa launching movie ni Cristine Reyes, nilangaw dahil kung anu-anong negative issues ang sumulpot sa kasagsagan ng promo, 'di ba?

Source: People's Tonight