|
|
| Isyu kay Valerie gimik lang!?Author: Pilipino Star Ngayon SEEN: Nalaman ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) na ni-request ng kampo ni Valerie na mag-usap sila ni Manny para maayos ang gusot nila pero nagsama siya ng TV crew mula sa ABS-CBN. Talent ng GMA 7 si Manny. Nang malaman ng mga executive ng GMA 7 na makikipagkita si Manny kay Valerie, nagpadala rin sila ng TV crew sa meeting place. Hindi naging exclusive sa ABS-CBN ang pag-uusap nina Valerie at Manny. Ang hatol ng Seen/Scene, gimik ang isyu. SCENE: Nagagamit si Jinkee Pacquiao sa publicity ng Anak ng Kumander. Siya ang pinagbibintangan na nagpadala kay Valerie ng mga text message ng pagbabanta. Hindi pa sinasagot ni Jinkee ang isyu. Hindi siya dapat mairita sa pagkakadamay ng kanyang pangalan dahil si Manny ang producer ng pelikula. Tulong na lang ni Jinkee sa negosyo ng asawa ang pagsasangkot sa kanya sa promo gimmick ng Anak ng Kumander. Kapag kumita sa takilya ang pelikula, si Jinkee rin ang kasama sa mga makikinabang. SEEN: Lumabas na si Gladys Guevarra sa PBB House. Wala raw talagang balak si Gladys na magtagal sa loob ng PBB House dahil babalik siya sa Amerika para magkasama uli sila ng kanyang boyfriend. Ginamit lamang daw ni Gladys ang reality show ng ABS-CBN para mapag-usapan siya. Nagtagumpay si Gladys na mapag-usapan, nega nga lang dahil walang natuwa sa mga ikinilos niya sa PBB House. SCENE: Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Alfred Vargas sa presscon ng Banal dahil ikinuwento sa kanya ng mga reporter ang sinabi ni Ina Alegre na siya ang magiging bida ng next project ng ComGuild Production. Si Ina ang producer ng Banal. Hindi makapaniwala si Alfred sa narinig na balita. Nakapagsalita siya ng “Totoo ba ito?” Showbiz na showbiz ang tingin ng PSG kay Alfred dahil bago pa nagkaroon ng presscon ang Banal, alam niya na magkakaroon siya ng bagong project sa ComGuild Production. SEEN: Magkasama sa bangko SCENE: Nagustuhan ng Seen/Scene ang teaser ng Lobo, ang primetime series nina Piolo Pascual at Angel Locsin na mapapanood sa January 2008. Inaabangan ang pag-uumpisa ng Lobo. Kung mataas ang rating nito, hindi nakaapekto kay Angel ang mga intriga at negatibong reaksyon sa paglipat niya sa ABS-CBN. Ibang usapan kapag hindi naging matagumpay sa ratings game ang Lobo. Dapat mangamba si Angel sa nalalapit na pag-uumpisa ng kanyang TV series. Source: The Philippine Star |