|
|
| Isyu kay Valerie, tinawanan ni MannyAuthor: Eric Morales NATAWA si Manny Pacquiao nang tanungin tungkol kay Valerie Concepcion, co-star niya sa pelikulang prinodyus, Anak ni Kumander, for the upcoming Metro Manila Film Festival. Parang bago sa pandinig ni Manny ang tsikang 'yon dahil in the past, si Ara Mina ang madalas na itinatanong sa kanya. Alam ng lahat na walang basehan ang tsismis na 'yon at nagkataon lang na may kissing scene sila sa nasabing pelikula. Basta para kay Manny, dalangin niyang kumita ang pelikula para lalo pang makatulong sa maraming dumepende sa movie industry. Siyempre, 'pag kumita ang Anak ni Kumander, marami pa siyang project na mapu-produce. Nangangarap rin ang Pambasang Kamao na makakuha ng award, huh. Bukod sa post-production ng naturang MMFF entry at sa pag-aaral, abala si Pacman sa bagong programang Pinoy Records, na magsisimula na sa Sabado, December 8, sa GMA-7, pagkatapos ng Wish Ko Lang. * * * NAGPAPASALAMAT si Dennis Trillo sa mga taong nakaiintindi sa kanya, gayundin sa mga bumabatikos. Aminado siyang may natutunan sa nagawang pagkakamali at magsisilbi itong leksyon sa buhay na haharapin. Malungkot si Dennis dahil hindi nakikita ang anak na si Calix. Galit si Carlene Aguilar, kaya ipinagdaramot daw ang kanilang anak. Kawawang bata, nadaramay sa problema ng mga magulang kahit walang kasalanan. Gayunpaman, umaasa pa rin ang isa sa lead stars ng Zaido, Pulis Pangkalawakan na masusulyapan ang anak bago sumapit ang Pasko. Bukod sa taping ng Zaido, magiging abala rin si Dennis sa pagpu-promote ng Shake Rattle & Roll 9, isa sa MMFF entries ng Regal Entertainment. * * * HINDI totoo ang alingasngas na lilipat na si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN. Paano mangyayari 'yon, eh, 2009 pa mag-e-expire ang kontrata niya sa GMA Artists Center, na may first option pa to renew? Besides, may bagong project siyang sisimulan sa Siyete, kung saan makakasama niya ang real-life sweetheart na si Patrick Garcia. Ayon nga sa isang GMA-7 executive, gawa-gawa lamang ito ng kung sinong walang magawa. Sa kasalukuyan, busy si Jennylyn sa La Vendetta, na kahit late na umiere'y marami pa ring sumusubaybay dahil sa makapigil-hiningang mga eksena. Source: People's Tonight |