|
|
| 'Isyu pala sa ibang tao ang pagpunta ko sa ABS-CBN'![]() Author: Lolit Solis Isyu pala sa ibang tao ang pagpunta ko sa ABS-CBN noong Martes. Hindi naman porke identified ako sa GMA 7, hindi na ako puwedeng pumunta sa compound ng Kapamilya network 'huh! Pumasyal ako sa ABS-CBN dahil personal kong inabot sa personnel ng accounting department ang mga Christmas gift ko sa kanila. Sa totoo lang, late na nga ang pagbibigay ko sa kanila ng mga regalo dahil nag-umpisa akong maigay noong first week of October. Napadaan ako sa radio booth ng dzMM at nakita ako nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito. Sino ba naman ako para i-refuse ang kanilang imbitasyon na maging instant guest sa radio program nila na hindi ko nakakalimutan na pakinggan kung libre ako. Marami kaming napag-usapan nina Cristy at Jobert tulad ng mga artista na nalululong sa on-line casino pero deny-to-death at ang walang katapusan na Sam Milby-Piolo Pascual issue. As usual, nag-apologize uli ako kina Sam at Piolo kung na-hurt ko man sila pero hindi ko talaga babaguhin ang aking kuwento. Dumalaw din ako sa taping ng Boy & Kris dahil matagal na kaming hindi nagkikita ni Boy Abunda na walang kasawa-sawa sa pag-greet sa aking pamangkin na si Joann Boner at apo na si Kinsey McDonald. Nagkita kami ni Kris Aquino at ito ang first time na nagkrus ang aming mga landas mula nang mainterbyu ko noon si Hope Centeno. Kris at Krus, magka-ryhme ha? Nagbatian naman kami ni Tetay na walang mean bone sa katawan pero ewan ko lang kung nag-flashback sa kanya ang nakaraan nang dalawin ko sa taping si Kuya Boy. Kuya Boy daw o! In fairness to me, Kuya Boy talaga ang tawag ko kay Boy Abunda, kesehodang mas senior citizen ako sa kanya. * * * May part two ang kuwento ni Snooky Serna tungkol sa aktor na nang-abuso sa kanya noong 14 years old siya. Ikinuwento ni Snooky sa reporter na si Archie de Calma na virgin pa siya nang maranasan niya ang pang-aabuso ng aktor. Nagalit pala si Snooky dahil sa sinabi ng lalake sa isang interview na pinakasalan nito ang babae dahil ito ang karapat-dapat. The who ang aktor? Ma at pa! Hindi sinabi ni Snooky ang name ng kanyang rapist dahil blind item ang kanyang pagkukuwento. Si Albert Martinez lang ang alam ko na naging boyfriend ni Snooky noon pero nag-deny na siya dahil 16 years old at hindi raw 14 years old si Snooky nang magkaroon sila ng relasyon. May mga nagsasabi na baka si Gabby Concepcion ang tinutukoy ni Snooky dahil sa kuwento nito na hindi na siya naghabol nang magpakasal ang aktor porke nabuntis nito ang kanyang girlfriend. Eh buntis si Sharon Cuneta nang pakasalan siya ni Gabby sa Manila Cathedral. Nahimatay pa nga siya dahil sa sobrang dami ng tao at sa init sa loob ng simbahan. So, sino ang suspect? Si Albert ba o si Gabby? Teka, ire-refresh ko muna ang aking memory dahil hindi ko matandaan kung naging girlfriend ba noon ni Gabby si Snooky. Pero kung sinuman siya, ma at pa talaga! Basta ang alam ko, dead na ang karakter ni Snooky sa La Vendetta at puwedeng gusto niyang ipaghiganti ang pang-aabuso sa kanya noon kaya nagkukuwento na siya sa mga reporter. Ang La Vendetta ni Snooky, bow! * * * Nagandahan ako kay Beyonce Knowles nang mapanood ko sa 24 Oras ang kanyang pagdating sa ating bayang magiliw. Kahawig pala si Beyonce ni Mariah Carey na nagkaroon na rin noon ng concert sa Pilipinas. Mas sikat ngayon si Beyonce kesa kay Mariah kaya sold-out ang kanyang concert kagabi sa The Fort. Sold-out din ang concert noon ni Mariah pero mas maingay ang pagpunta ni Beyonce sa Pilipinas. Source: Pilipino Star Ngayon |