|
|
| Isyu sa Bagets Foundation, sinagot ni BistekAuthor: Mercy Lejarde SABI ni QC Vice Mayor Herbert Bautista sa ika-8th year ng kanyang Batang QC Olympics sa Amoranto Stadium, buo pa rin ang Bagets Foundation kahit yumao na ang isa sa founders nito na si Francis "Kiko" Magalona. "Actually, 'yung concept ng Bagets Foundation, galing kay Kiko 'yon habang nag-iinuman kami. So, du'n nabuo 'yon. Si Eula Valdez ang presidente namin du'n at may mga scholar kaming mga pinag-aaral. "Inilapit namin sa Viva na gumawa uli ng Bagets movie na kami na ang mga tatay at nanay. Kasi nga, this year dapat ang 25th anniversary ng Bagets, eh. Kumbaga, silver anniversary. "Eh, hindi naintindihan nina Boss Vic (del Rosario) 'yung concept, pati 'yung album na concept nga ni Kiko, akala nagbibiro lang kami. "'Yung album, hindi natuloy dahil nga iba-iba ang recording companies. 'Yung pelikula, eh, wala na si Kiko, hindi ko lang alam kung matutuloy pa," added na sey pa ni Vice Bistek. Asked kung tatakbo ba siyang QC mayor sa 2010, hindi nag-denay at hindi rin nag-confirm si Vice Bistek. * * * 'PAG nagkataon, tipong ang awiting Break it to Me Gently ang magiging theme song ng isang aktres sakaling matuloy ang oplan "One Month Only" ng guy na kanyang pinakasalan. 'Yon lang muna, tsuk! * * * HINDI lang sa telebisyon may tagisan ng summer station ID. Sa radyo man, pagandahan din ng jingle ang mga istasyon ngayong tag-init. Siyempre, nangunguna ang DZMM Radyo Patrol 630, na kinuha pa ang bigating grupo na The CompanY para magbigay ng bagong "flavor" sa kanilang station ID. Fiesta ang dating ng bagong jingle na inawit nina Moy, Ces Jay, Sweet at Anne mula sa areglo nina Marc Lopez at Moy. Ang DZMM summer jingle ay maririnig sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo sa Skycable Channel 26. * * * HINDI matutuloy ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ABHSAT ng GMA-7. Dudukutin si Proserfina ng mga goon. Itatali nila ito sa isang safehouse at saka haharangan ng hollow blocks. Maabutan pa kayang buhay ni Homer ang kanyang labs? Alamin sa Kapuso primetime block. * * * SA grand launch ng Da Bar orange and lemon vodka nina Kendrick Tan at Nedzi Romero ng The Bar Beverage, Inc. , tipong "perfect combination" tingnan habang magkatabi ang dalawang endorsers nitech na sina Angelica Panganiban at Jake Cuenca. Yezzz, wether you like it or not, Derek Ramsey and Melissa Ricks, tsuk! Source: People's Tonight |