|
|
| Iwa Moto buking na 'di marunong magluto![]() Author: Noel Asiñas GAME si Iwa Moto sa pagsali niya bilang celebrity challenge ng Kung Ako Ikaw sa episode ngayong Monday hanggang Wednesday na may titulong Mamamalaka. Kasamang celebrity ni Iwa sina Alfred Vargas at Antonio Aquitania. Panalo si Iwa sa pagkatay at paglinis ng palaka. Pero, bagsak siya sa pagluluto ng palaka sa putaheng adodo. Sa mga kasama niyang dalawang actors, parehong takot pumatay at maglinis sina Alfred at Antonio. Awang-awa ang dalawang hunk actors. Gulat ang mga staff ng KAI sa tapang ni Iwa na kumatay at maglinis ng palaka. Bago gawin nila ito ay namalaka muna ang grupo sa bukirin ng Magalang, Pampanga. Tapos, magbibenta sila ng malinis na palaka sa highway. Si Alfred ay pumunta pa sa bahay ng manager niyang si Lolit Solis sa North Fairview . Tig-aapat na kilo ang ibibenta nila. Kapag may natira ay iluluto nila iyon at ipapakain sa staff ng KAI. Kaya dito nalaman na hindi marunong magluto si Iwa. Sobrang asim ang kanyang adobo. Buti naman at walang anumang aberya ang nangyari kay Iwa sa set. Hindi na siya nahilo o nag-collapse. Naka-recover na talaga siya sa kanyang major operation sa appendectomy. * * * INAMIN ni Yasmien Kurdi na nasaktan siya sa sunud-su-nod na sampal ni Mari- cel Soriano sa eksena nila sa Bahay Kubo ng Regal Films, na entry sa 2007 Metro Manila Film Festival. Wika ni Yasmien sa presscon: "Parang bumaon ang kuko niya sa leeg ko. May marka pa nga ito. Kaya lang gumaling na rin sa katagalan. Pero, hinahangaan ko si Ate Maricel dahil sa galing niyang umarte. Ako'y nadadala rin sa kanya. Bago kunan ang eksena ay nag-usap kaming mabuti kung ano ang dapat gawin. Kaya namin madaling natapos ang eksena. " Anak ni Maricel si Yasmien na gustong mag-artista. Eh, nakita niyang may sexy photos si Yasmien kaya pinagalitan niya ito nang husto . Pinagsasampal niya si Yasmien sa eksena. Kaya naman umagos nang husto ang luha ni Yasmien, pang-award tala-ga ang eksena na nakita ng press sa ipinalabas na trailer. Si Direk Joel Lama-ngan ang director, na siya ring director ni Yasmine sa Pasan Ko ang Daigdig, na ngayon ay No. 1 soap ng GMA-7 sa panghapong telebabad. All star cast ang Bahay Kubo na kinabibilangan ni-na Mark Herras, Marian Ri-vera, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Eric Quizon, Eugene Domingo, Bearwin Meily, Jiro Manio, Isabella de Leon, Rita Iringan at Gloria Romero. Sinulat ang script nina RJ Nuevas at Suzette Doctolera. Ang istorya'y tungkol sa buhay Pinoy at sa isang pamilya ng marunong na-tutong sumayaw sa ups and downs ng buhay. * * * TUWANG-TUWA si Christopher Roxas nang malamang buntis na nga-yon ng seven weeks ang asawang si Gladys Reyes. Bale second baby na nila ito at ang panganay nilang si Christophe ay more than one-year-old na nga- yon. Sabi ng attending gynecologist ni Gladys na si Dr. Madeline Florendo ng Asian Hospital sa Alabang, maganda raw ang kalagayan ng sanggol sa sinapupunan ni Gladys. Sa ngayon ay busy si Gladys sa taping ng My Only Love at weekly show niyang Moments sa Net 25 tuwing Sabado ng gabi. * * * KUNG sa Boys Next Door ay nagkapalit-palit ng ka-love team sina Aljur Abre-nica at Marky Cielo, dito sa Zaido: Pulis Pangkala-wakan ay tumatakbo rin ng ganito. Una'y in love si Kris Bernal kay Marky, later on ay mai-in love siya kay Aljur. Kasi, may nauna nang mahal si Marky sa Zaido, si Lovi Poe. Gayundin ang love story nina Dennis Trillo, Raymart Santiago at Diana Zubiri. Una'y nagkakagustuhan sa istorya sina Raymart at Diana. Pero, nang nawala sa eksena si Raymart ay napunta siya kay Dennis. Ngayong bumalik si Raymart, si Diana ay kay Raymart ulit. Kanino na naman mapupunta si Dennis? Changing partners ta-laga! * * * PASOK na ngayon ang character ni Chynna Ortaleza sa La Vendetta, pa-nibagong tauhan na may lihim na galit sa panguna-hing villain ng soap na si Jean Garcia. Role niya ang sekretar-ya ni Jean na mabait ang pakita kay Jean, pero may ginagawang ka-babalaghan kapag wala na ang amo sa opisina. Sa istorya ng La Vendetta, unti-unti nang lumilinaw kung sino talaga ang pumatay kay Jennylyn Mercado bilang si Almira. * * * MATAPOS ilunsad ang unang album ni Aicelle Santos kamakailan na may pamagat na Make Me Believe na ang carrier single ay ang awiting Ikaw Pa Rin, magkakaroon siya ng series of mall tour. In fact nagsimula na ito last Nov. 11 sa SM Dasmariñas, CAvite. Ang mga susunod na skeds niya sa mall tour ay: Dec. 1-- SM Pampanga; Dec. 9 -- SM Taytay; Dec. 14 -- SM Sta. Rosa; Dec. 15 -- SM Marilao; Dec. 16 -- SM Clark; Jan. 4 -- SM Cebu; Jan. 6 -- SM Fairview; Jan. 13 -- SM North EDSA. Sa album launch ni Aicelle kamakailan ay pina-hanga niya ang mga press people na nagsidalo dahil sa kakaibang style niya sa pagkanta. Source: Taliba |