Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iwa at non-showbiz BF, nagpa-cater sa set ng 'Darna'

Author: People's Tonight

Nag-celebrate ng birthday si Iwa Moto sa set ng Darna last Monday sa Mexico, Pampanga, at nagpa-cater sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan para sa naruong cast, staff at crew.

Habang tumatagal ang series, nagiging super close si Iwa kina Marian Rivera at Nadine Samonte.

Sa harap ng camera lang sila magkakalaban dahil off-cam, 'di matapos ang tsikahan at sharing sa lahat ng kinakain pati ang favorite nilang santol.

Anyway, sa Darna mamaya, ni-report ni Apollo (Gabby Eigenmann) kay Dr. Morgan (Ricky Davao) na negative ang resulta ng blood sample ni Darna.

Binili rin ni Apollo ang bangkay ni Impi sa sepulturero, dinala sa laboratory, pero biglang kikislot.

Aaminin ni Gabriel (Alfred Vargas) kay Francesca (Rufa Mae Quinto) na in love siya sa Babaing Impakta at narinig 'yon ni Crisanto (Raymart Santiago).

Nasa likod ng ampunan si Narda, ilalabas ang bato. Masasaksihan ang muling transformation ni Narda bilang si Darna.

* * *

Hindi maaapektuhan ang taping ng Rosalinda kahit magho-host si Carla Abellana ng StarStruck V dahil every Sunday lang sila host ni Dingdong Dantes.

Weekdays ang taping niya ng soap, kung saan kinakikitaan siya ng malaking improvement sa acting.

Alam ni Carla na makukumpara siya kay Jolina Magdangal, balak niyang humingi ng tips dito kung paano maging effective host ng SSV 'pag nakita sa SOP.

Ipinagdiinan nitong hindi niya sinulot ang hosting job kay Jolina at ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Inamin pala ni Carla na naghihintayan sila ni Geoff Eigenmann sa taping ng Rosalinda para sabay umuwi sa kani-kanyang car.

Hindi nanliligaw sa kanya ang actor kahit dumadalaw sa bahay niya at minsan, nag-abot pa sila ni JC Intal na sabi ni Carla, hindi rin niya BF at "the guy" kung tawagin. Wala raw siyang commitment sa dalawa kundi sa Rosalinda at SSV.

Samantala sa Rosalinda, alam na ni Alfredo (Ariel Rivera) na hindi si Fedra (Katrina Halili) ang kanyang anak.

Kukunin ni Valeria (Sheryl Cruz) si Erika at mababaril niya sina Javier at Soledad na karga ang bata, pero humarang si Fedra at siya ang tinamaan ng baril.

Source: People's Tonight