Oct 12
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Iwa isinugod sa ospital

MULING isinugod sa ospital si Iwa Moto dahil sa panghihina last Thursday afternoon. Nag-complain daw itong hirap huminga habang nasa taping ng Nuts Entertainment, na ipinalabas kagabi. Ang balita, may special someone na dumating para umalalay sa actr...

 

Iwa isinugod sa ospital

Column: Aba!
Author: Noel Asiñas

MULING isinugod sa ospital si Iwa Moto dahil sa panghihina last Thursday afternoon.

Nag-complain daw itong hirap huminga habang nasa taping ng Nuts Entertainment, na ipinalabas kagabi.

Ang balita, may special someone na dumating para umalalay sa actress sa ospital.

Ayon sa isang source, halos mag-collapse si Iwa habang kinukunan nang nakaposas sa bagong reality segment ng NE.

Dagdag pa nito, humina ang potassium level ng young actress kaya biglang nahilo.

* * *

SUPER cooperative naman si Annabelle Rama sa segment na Balakubak last week.

Shocked daw ang lahat dahil hindi man nagtaray, pinangaralan naman nito si Janno Gibbs na huwag nagpapa-late dahil nakakahiya sa mga kasamang artista.

'Di naman daw nag-react si Janno nang pagsabihan ni Annabelle.

* * *
NAGPAPAHINGA pa rin si Gladys Reyes, na kinagat ng pusa sa presscon ng My Only Love, ang bagong afternoon soap ng GMA-7 na nagtatampok sa bagong loveteam nina Rhian Ramos at Mark Herras.

Ayon kay Gladys, nilagnat siya sa mga injection na inilapat ng ospital na pinagdalhan sa kanya mula sa venue ng presscon sa Cusina Guagua nu'ng Miyerkules ng gabi.

Aniya: "Mas masakit magpa-inject kesa manganak. Aba, sampung injections 'yon.

Buti na lang at sinagot ng may-ari ng Cusina ang gastos sa ospital. "

'Di pa rin daw normal ang kilos niya't madalas pa rin siyang matulog.

Kontrabida uli ang role ni Gladys sa My Only Love. Siya si Perla Alibudbud, na kapag yumaman ay magiging Madam Pearl.

Sila ni Sherilyn Reyes ang magpapahirap kay Rhian sa istorya.

Kasama rin sa cast sina Alfred Vargas, Bianca King, Stef Prescott at Lloyd Samartino.

* * *
TOTOO bang more than friends na sina Glaiza de Castro at Mike Tan? Nagkalapit daw ang dalawa habang nagsu-shoot ng pelikulang Batanes.

Sabi ng isang source na malapit kay Glaiza, constant textmates ang aktres at aktor bukod sa pagtetelebabad.

Inseparable rin daw sina Glaiza at Mike sa SOP.

* * *
DALAWANG pelikula ang nag-first-shooting day last Nov. 8. Ang isa'y ang Rakenrol, isang indie movie na dinidirek ni Quark Henares. Tampok dito sina Glaiza, Jason Abalos, Ketchup Eusebio at Alwyn Uytingco.

May special participation si Diether Ocampo bilang rock singer na ina-idolize ng mga kabataan.

Patterned ang nasabing pelikula sa hit Hollywood movie na Almost Famous.

Ang pangalawa nama'y ang Paupahan, na patterned after the hit Regal movie, Manila by Night.

Ang script nito'y sinulat ni Dennis Evangelista sa ilalim ng direksyon ni Joven Tan.

Istorya ito ng tatlong lalaking hindi magkakakilala, pero pare-pareho ng buhay. Sina Jay Manalo, Allen Dizon at Joseph Bitangcol ang mga bida rito, kasama si Pops Fernandez bilang isang teacher.

Si Kirby de Jesus ang lalabas na bading na syota ni Joseph. Kabilang din sa cast sina Gloria Romero, German Moreno, Snooky Serna at Mon Confiado.

Produced ito ng ADL Entertainment.

* * *
NASA Manila na naman si Billy Crawford. Balik-SOP ang Pinoy international singer kasabay ang nali-link sa kanyang si Marian Rivera.

May birthday party din si Pauleen Luna at may grand launching ang bagong afternoon soap na My Only Love.

Source: People's Tonight