Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iya, may international movie!

Iya Villania

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

NAKATANGGAP ng offer si Iya Villania upang gumawa ng international movie na gagawin sa Malaysia.

Kung papayagan siya ng ABS CBN na mag-leave muna sa Lastikman, iSiSingit ni Iya sa schedules niya ang shooting dahil sayang nga naman ang oportunidad na ito.

Eh, kilala rin kasi si Iya sa Malaysia dahil napapanood doon ang mga shows niya gaya ng ibang stars ng Channel 2. Kahit nalalamangan ng Zaido ng GMA sa ratings ang Lastikman, hindi dahilan 'yon upang mabawasan ang popularidad ni Iya, huh!

***

Papasok na rin sa pag-aartista ang Asia's top model na si Brent Javier at si Arnold Vegafria ang kinuha niyang manager.

Mula kasi nang umingay ang pangalan ni Brent nang magwagi ito sa isang bikini search, mas ginusto nitong maging commercial at ramp model kahit may offers siyang mag-artista.

Eh, naging maganda naman ang resulta ng decision niya dahil marami siyang nagawang commercials sa Thailand, Singapore at iba pang Asian countries.

Hopefully, maging matatas na siyang magsalita ng Tagalog para hindi siya matulad sa ilang Fil-Am actors na hindi tumagal sa pag-aartista dahil sa hirap magsalita ng ating lengguwahe, huh!

***

Kakaibang gimik naman ang inihahanda ng staff ng SiS para sa darating na birthday celebration ng isa sa hosts na si Janice de Belen.

Alphabetical order ang mga artistang babati sa kanya, kaya naman aligaga ang buong staff ng show sa pagkuha ng mga greetings sa mga taong naging malapit kay Janice.

Kasama kaya sa babati kay Janice ang rumored boyfriend niyang lawyer? Naku, kapag nagawa 'yan ng SiS, hats off kami sa kanila, 'no!

***

For comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante