Mar 14
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iza Calzado, Robin Padilla starrer, ipapalit sa La Vendetta

Author: Lito Mañago
Column: Hot Sources

HUMAHABA na ang listahan ng mga taong nagpi-petition sa GMA Network para mapunta kay Jennylyn Mercado ang papel na Darna sa seryeng Captain Barbell Meets Darna na si-simulan anytime soon.

Why is Jennylyn the perfect choice, ayon sa petitioners, na nag-email pa sa ilang reporters para ma-iparating ang kanilang petition sa Kapuso Network.

Ayon sa online petitio-ners, Jennylyn is the perfect choice because 1. ) She has a stunning Pinay look which is fit for the role; 2. ) She has a huge fan base; 3. ) She is an award-winning actress; 4. ) She can shout Darna without Regine's help.
5. ) She has a sexy body- FHM Jan. '08 Cover Girl; 6. ) She's done fight scenes in the past- Encantadia, Super Twins, and Super Noypi; 7. ) She is a home- grown talent of GMA and 8. ) The 3rd Pinay to be featured in Askmen. com, isang international website.

Idinagdag pa ng online petitioners na Jennylyn daw deserves the role more than any other talent ng GMA.

Inilagay pa sa e-mail ang link (http://www. pinoy exchange. com/forums/show thread. php? t=325869 & page=7) ng online petition sa first ever StarStruck ultimate female survivor na tila undecided pa to renew her contract with GMA Artist Center (GMAAC) kung saan her contract expires this Feb-ruary 2008.

Let's wait and see kung kay Jennylyn nga mapupunta ang pivotal role na dating ginagamapanan ni Angel Locsin na nag-ober da bakod sa ABS-CBN after niyang 'ma-burn-out' at mapagod sa bakuran ng GMA Network na nag-alaga sa kanya nang mahigit limang taon.

* * *

HETO pa ang isang email na natanggap namin mu-la kay Emma Caparas (emmcee79@yahoo. com) ng Las Piñas City tungkol sa ratings ng mga programa ng GMA Network na kinukuwestyon ng ABS-CBN.

Sabi ng email sender, "Halata naman na gusto lang i-discredit ng ABS-CBN ang phenomenal success ng 'Marimar' (topbilled by Marian Rivera) kaya kuning-kuning na nagrereklamo silang may dayaan sa rating. "

Idinagdag pa ni Emma: "At talagang na-depressed sila sa sinapit ng 'Maging Sino Ka Man' at mukhang naamoy na nila ang kahihinatnan ng 'Lobo'. Kaya ngayon ay nag-iingay sila na may dayaan sa ratings. "

Pathetic, ang huling sa-lita ni Emma sa kanyang email sa amin.

* * *

KUNG tama ang dinig na-min, ipapalit ang Joaquin Borbado nina Robin Padilla at Iza Calzado sa magtatapos na La Vendetta ni-na Sunshine Dizon, Jennylyn Mercado at Jean Garcia.

La Vendetta ends Feb. 8 at magsisimula naman ang Joaquin Bordado sa Feb. 11, Monday sa Telebabad Block ng GMA.

In full-swing na nga ang ta-ping ng Joaquin Bordado lalo na't may playdate na ito.

Right after the holidays, nag-resume na agad ito ng taping pagka-raang masimulan last Dec. 12.

"Ako'y punum-puno ng pagkasa-bik na masimulan ang proyekto. Ang tagal kong hinintay ito," banggit ni Robin nang bi-sitahin namin ang aktor sa set.

Kumusta naman kaya ang first few days ng ta-ping ni Binoe sa magaling na aktres?

"Ngayon, nandito na siya sa tabi ko at nagkaroon na kami ng isang eksenang maramdamin kaya lalong umaatikabo ang tibok ng aking puso," pagbibiro pa ng action superstar.

"Ako naman, wala pa si Binoe, nakunan na 'yung breakdown scene ko. Wow, pa-rang welcome back to soap opera life," kuwento ng aktres ng Desperadas, a Metro Manila Film Festival entry mula sa Regal Films wherein she pits talents with Ruffa Gutierrez, Marian Ri-vera and Rufa Mae Quinto.

Second time nilang magkatrabaho ni Binoe. Nauna na silang nagka-sama sa indie film titled Blackout at maganda naman ang kinalabasan ng kanilang unang team-up.

Ini-expect na nina Ro-bin at Iza na mas magi- ging smooth ang takbo ng trabaho nila sa Joaquin Bordado dahil nagkasama na nga sila in the past.

"Although, two days lang kaming nagkatrabaho sa indie film namin, more than two months. .. and more months pa ang pagsasamahan na-ming dalawa sa Joaquin Bordado," wika ni Iza. "Okay naman si Binoe, walang problema sa akin. Gusto ko 'yung ugali niya kung paano niya tratuhin ang mga maliliit na tao sa set. "

Sa unang araw ng kanilang taping, naramdaman na ba ni Iza ang pagiging gentleman ni Robin?

Sumabad ang action star.

"Wala pa," ayon kay Binoe, "nangangapa pa lang ako. "

Pero, idinagdag ni Iza, na kahit dalawang araw lang silang nagkasama sa pelikulang Blackout, naramdaman na raw ng dalaga ang pagiging isang tunay na gentleman at pagkaromantiko ng dating bad boy ng Pinoy cinema.

Kaya expected na rin ng magaling na aktres na aalagaan din siya ng action superstar lalo na't tatagal ng maraming buwan ang pasasama nila sa Joaquin Bordado.

* * *

For feedbacks, email us at whalesharkph@ gmail. com

Source: Taliba