Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iza Calzado avoids doing movies with love scenes this year

Iza Calzado realizes that she cannot help being typecast as a sweet person in most teleseryes. "Ang character ko, parang walang pinagbago. Pang-ilang soap na ba ito na ganito ang character ko at tanggap ko na dun ako bagay."

Author: Nitz Miralles


Dumalaw kamakailan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng All About Eve sa GMA Network Annex. Natutulog pa si Sunshine Dizon dahil sa 6 am ang call time that day, may eksena si Alfred Vargas, kaya si Iza Calzado ang unang na-interview ng PEP.

Pinag-react ng PEP si Iza sa early comment ng viewers na wala silang chemistry ni Mark Anthony Fernandez at di magiging successful ang team-up nila. Ano ang masasabi niya rito?

"Meron naman kaming chemistry, meron pala. Hindi ko rin ini-expect na magkakaroon kami ng chemistry, pero ang daming nagsasabi na bagay kami, bagay daw ang hitsura namin. Physically, they say we look [alike] together. Kapag tiningnan ang hitsura ni Mark, eksakto sa face ko. The story is creating the chemistry."

Natatawa lang si Iza sa mga eksena nila ni Mark dahil feeling niya, bumalik siya sa teenage romance sa dami ng mga nakakakilig na eksena. Naiinggit nga raw siya kay Nicole (character niya sa teleserye) dahil hindi kapareho ang experience niya sa totoong buhay.

Ani Iza, "Hindi pa nangyayari sa akin ang ganitong romance sa tanang buhay ko. Hanggang TV at movies na lang ba ang lovelife ko? Hindi ba puwedeng mag-request na mangyari ito sa totoong buhay ko?"

Inamin ni Iza na mas gorgeous ngayon ang kanyang leading man kumpara noong ginawa nila ang Impostora. Mas maganda raw kausap ngayon ang actor, pero wala pa silang chance na makapag-bonding nang husto dahil puro taping ang inaatupag nila. Posible ba siyang ma-in love sa actor?

"Oh no! Physically he's gorgeous at sinabi ko sa kanya na habang tumatagal, mas gumuguwapo siya. Nababalitaan kong madali siyang ma-in-love sa kapareha niya kaya dumidistansya ako sa kanya out of concern dahil married na siya."

Si Mark Anthony ay kasal kay Melissa Garcia at may dalawa na silang anak.

Tanggap ni Iza na mas makulay, mapuwersa at more challenging ang role ni Sunshine bilang si Erika. Hindi ba siya pinapili kung kaninong role ang gusto?

"Ang role ni Nicole ang naibigay sa akin kaya pinagbubuti ko na lang. Hindi ko alam ang basis ng production. I don't know, will it affect my endorsement? I must admit, limiting yung pagigiging mabait ni Nicole, but she also fights back, hindi siya kimi although at the end of the day, ipinapasa-Diyos na lang niya ang lahat. Sunshine is doing such a great job as Erika. Ang character ko, parang walang pinagbago. Pang-ilang soap na ba ito na ganito ang character ko at tanggap ko na dun ako bagay."

"Kaya sa movies na ginagawa ko, gusto ko out of the box. Last year sa One True Love, nagustuhan ko ang character ko with love scenes pa. But for some reason, this year ayaw ko munang mag-love scene. Parang nag-quota na ako last year, saka na lang uli."

Sino ba ang gusto niyang kahalikan?

"Actually, wala! If Brad Pitt is available, why not! Parang he is a good kisser. Sa local actors, wala akong mapili. Pero may kissing scene kami ni Mark sa AAE, hindi nga lang torrid."


HOLY WEEK PLANS. Samantala, sa Holy Thursday, magkasama sina Iza at Karylle sa Subic para sa Healing Mass at concert na sponsored ng Bethesda Healing Ministry. Kung inyong natatandaan, nagbigay sa kanila ng counselling noong time na kabi-break nila sa kanilang boyfriend--si Dingdong Dantes kay Karylle at Jerry Garcia naman kay Iza.

"Kasamang magpi-perform ni Karylle sina Jackilou Blanco at Ricky Davao,"kuwento ni Iza. "Hindi ako kakanta, I love singing, pero di ako gusto ng song. Kumakanta lang ako sa karaoke at ng favorite kong kantahin ay 'Maging Sino Ka Man,' 'Cruisin'' at 'Fallin'' from Pretty Woman, pero 'wag ipilit ang di para sa'yo."

Kinuwento ni Iza sa PEP na natuwa siya kay Gian Magdangal sa sinabing puwede siyang kumanta't may boses siya. Mabait daw ang singer, pero dahil sa sinabi nito, baka mag-voice lesson siya if she has the time.

"Nag-attend na ako ng healing mass, pero iba ito at sa Holy Week pa. Ini-expect ko na pagbalik ko ng Manila, mas gagaan ang pakiramdam ko at lalong magiging positive ang outlook ko sa buhay," wish ni Iza.

Source: Philippine Entertainment Portal