Feb 10
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iza Calzado, masarap hubaran!

Iza Calzado, masarap hubaran!

Author: Dondon Sermino

KUNG kaseksihan din lang ang pag-uusapan, hindi patatalo si Iza Calzado.

Sabi nga, isa si Iza sa mga babae sa showbiz na masarap hubaran!

Kahapon nga, sa birthday party niya (August 12 pa ang birthday niya) para sa entertainment press, bagama't simpleng-simple ang kanyang suot, lutang na lutang ang kanyang kaseksihan.

Kung cleavage rin lang ang pag-uusapan, sagana roon si Iza. At kung hugis ng katawan ang pagbabasehan, bongga pa rin doon si Iza.

Eh, samahan mo pa ng maamong mukha ni Iza, siguradong maduduling na talaga ang mga lalake sa kanya.

“Kailangan ko pa ba `yon?” sabi lang ni Iza nu'ng tanungin namin kung kailan naman siya magku-cover ng seksi sa mga men's magazine.

“Hindi na raw kailangan. Hindi raw bagay sa akin,” dugtong pa ni Iza.

Well, bagamat maraming offer si Iza na ipa­kita rin ang kanyang alindog sa mga magazines, tila malabong patulan `yon ng dalaga.

Hindi nga raw `yon para sa kanya. Sabi nga, puwede namang makita ang kanyang kaseksihan, kahit na balot na balot siya.

Kunsabagay, sa simpleng kasuotan ni Iza, na konting cleavage pa lang ang ipinakikita niya, lutang na lutang na nga ang kanyang kagandahan.

Si Iza rin ang isa sa pinakamabentang endorser/image mo­del ng mga produktong pampaganda tulad ng Avon. Nilinaw nga ni Iza na hindi siya tinanggal bilang endorser ng Avon.

“Nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan. Hindi po totoo `yon. I have always been under Avon pagdating sa direct selling. Since 2005 po, at hanggang ngayon po, nasa Avon pa rin ako. Maganda ang sama­han namin.

“Gusto ko lang pong lina­win na I'm still with Avon, and I'm very happy to be with Avon,” say ni Iza.

Bukod sa Avon, si Iza rin ang image mo­del ng Soda By Pink. At hindi nga nagkamali ang Soda, dahil kahit sabihin pang hindi naman imported ang produkto nila, bonggang-bongga at nadadala talaga ni Iza ang produkto, na nagmumukhang sosyal at mamahalin.

Anyway, miss na miss na rin ni Iza ang paggawa ng teleserye. Matagal-tagal na rin daw siyang hindi nagpupuyat sa taping.

“Nakaka-miss magtrabaho. Sabi ko nga, gusto ko nang mapuyat ulit.

“Pero naisip ko rin, isa sa mga sikreto kung bakit tumatagal din ang mga tao sa industriya ay `yung balance. Ako ngayon, ninanamnam ko `yung hindi ganu'n kabigat ang trabaho ko, na nami-miss ko siya, para kapag nag-work ako, ganadung-ganado ako, tuluy-tuloy at kundisyon,” sabi na lang ni Iza.

Source: Abante