|
|
| Iza Calzado wagi ang career at lovelifeAuthor: Lito Mañago URIAN Best Supporting Actress ( Sigaw ) and Golden Screen Awardee for Breakthrough Performance by an Actress (Milan ) Iza Calzado is doing a film one after the other. Biro nga namin sa kanya, hindi siya masyadong busy! Natapos na ni Iza ang Hollywood version ng Sigaw ni Direk Yam Laranas with Jesse Bradford at dumayo pa siya sa Canada for the principal photography, eto at nasa post production work na rin ang Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan with F4 member, Ken Zhu at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Ang pelikulang Desperadas naman with Ruffa Gutierrez, Marian Rivera at Rufa Mae Quinto ay naghahabol na rin ng deadline para sa isasagawang Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) this December. Before Jesse and Ken ay naging leading man na rin ni Iza si Segundo Cernadas sa seryeng Te Amo. Nagi-ging favorite leading lady yata si Iza ng mga international actors. Nakakatatlo na si Iza, huh? Anumang oras ngayon ay magsisimula na rin si Iza ng taping ng Joaquin Bordado kung saan kasama niya ang action superstar na si Robin Padilla. Ito ang first team-up ng dalawa sa primetime slot ng GMA Network. Nauna nang nagkasama sina Iza at Robin sa indie movie na Blackout kung saan umani ng papuri ang dalawa sa kanilang magandang performance. Pagdating sa lovelife, wagi pa rin ang magaling na aktres. Going strong ang relasyon niya sa FilAm boyfriend niyang si Jerry Garcia. At alam n'yo bang malaking factor si Jerry kung bakit naging smooth din ang takbo ng trabaho ng dalaga sa Canada para sa shooting ng Shout, ang Hollywood version ng Sigaw ni Richard Gutierrrez? Maliban sa GMA Artist Center, si Jerry ang naging point of contact sa project na ito ni Iza. "The Hollywood based production wanted to talk to a US management team so basically, he's representing me," lahad ni Iza. Tomorrow (November 9) Iza will be formally launched by Manels as their official image model. Natutuwa si Iza sa pagkuha sa kanya bilang endorser ng Manels at aniya, gagawin niya ang lahat para maka-tulong siya sa kompanya. Source: Taliba |