|
|
| Iza: Never akong nagdyowa ng politikoAuthor: Noel Asiñas SUPER-SEXY at happy si Iza Calzado nang nakita namin sa presscon ng Yaya at Angelina: The Spoiled Brat Movie na showing na sa September 23. Ayon kay Iza, happy siya sa kanyang career at sa kanyang lovelife. Hindi rin niya ikinakaila na may boyfriend siya ngayon at hindi totoo ang tsikang nakipagbalikan siya kay Gerry Garcia, manager ng isang banda na naka-base sa Amerika. Ang bago niyang dyo-wa, pagbabalita ni Iza ay non-showbiz at isang Pinoy-Chinese busines-sman. Kahit man lang initial o palayaw lang ay ayaw banggitin ni Iza dahil gusto niyang maging private ang kanilang relasyon. Itinanggi rin ni Iza ang balitang may idini-date siyang board member sa isang lalawigan sa Pilipinas. Giit ni Iza, never siyang nagkaroon ng relasyon sa isang politiko. Balik-kontrabida naman siya sa Yaya at Angelina na gustung-gusto niyang gawin kasi masarap daw paglaruan ang ganitong character. Pero sa bago niyang soap na Kaya Kong Abutin Ang Langit, halaw sa pelikulang idinirek noon ni Maryo J. delos Reyes tampok si Maricel Soriano, ay bidang-bida si Iza. Ayon kay Noel Ferrer, dahil ang playdate ng Yaya at Angelina ay natapat sa playdate ng Echo, ang Hollywood movie ni Iza, iniurong ang showing Echo sa susunod na linggo. Mas naunang ipalabas ang Echo sa Japan at Korea, tapos ay dito sa Pilipinas, bago ito ipalabas sa America at Europe. Showing na ang Yaya at Angelina sa September 23, at may premiere night sa SM Megamall Cinema 10 sa September 20. * * * TIPONG may mabubuo na namang magandang sa-mahan ang muling pag-tatambal nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa bagong soap ng GMA-7 na Ikaw Sana, na mapa-panood na sa Lunes, kapalit ng All My Life, bago mag-24 Oras. Sinabi ni Jen sa presscon ng Ikaw Sana na hindi niya maaalis sa puso at isip si Mark na naging bahagi na rin ng kanyang buhay. Two years din naman kasi silang naging mag-on after manalo sila sa StarStruck noong 2004. Ginawa silang mag-love team after winning the artista search hanggang maging magdyowa na tumagal din ng almost one year. "Mas mabuti pa nga ang naging relationship namin after kaming mag-split. Kasi naging magkaibigan na lang kami unlike before na laging kaming nag-aaway," kuwento ni Jen. Nang magkahiwalay sila ayt nanatili silang magkaibigan at nu'ng ipinagbuntis ni Jen ang lovechild nila ni Patrick Garcia, si Mark ang lagi nakaalalay kay Jen. Sa naturang presscon din ay inamin ni Mark na may puwang pa rin sa puso niya si Jen at hindi posibleng magkabalikan sila. * * * DUMATING na si Man-ny Pacquiao mula sa promo tour ng kanyang boxing bout kay Puerto Rican Miguel Cotto. Sa kanyang pagbabalik ay inaasahang hindi muna siya magte-taping para sa Show Me Da Manny at Pinoy Records, gayundin ang shooting ng movie niyang Wapacman ni Direk Carlo Caparas. Kahit pa sa last Sunday episode ng kanyang sitcom ay naka-19% plus ito sa rating at panalung-panalo sa pinakamalapit niyang kalabang show. Ayon sa aming source, tuloy agad si Manny sa Baguio City para sa two-month training. Ito ay sa isang lugar sa Camp John Hay at hindi basta papayagan ma-kapasok ang mga taong walang official business kay Manny. Kailangan kasing mag-concentrate ni Manny sa training para manalo sa 28 years old na si Cotto, alyas King Kong. Sa prediction nga ni coach Freddie Roach, hindi mapapabagsak ni Manny si Cotto dahil mas bata ito sa kanya. Ngayong Linggo sa Show Me Da Manny ay guest si Dingdong Dantes. At sa Pinoy Records, balik-hosting si Manny kasama si Chris Tiu. * * * PATULOY din ang love-team nina Jennica Garcia at Mart Escudero. Bukod sa SRO Cinemaserye Presents Reunion, magkasama nga-yon sina Jennica at Mart sa bagong episode ng Dear Friend, ang "3 Bachelors," with JayR at Kyla. Pasok din sa casting si Paolo Avelino bilang kontrabida sa mini-series. Tungkol sa pag-iibigan ng kabataan ang istorya ng "3 Bachelors. " Iikot ang istor-ya sa buhay-buhay ng magkaka-loveteam. Magkakapatid na magka-kapalit ng pakakasalan ang takbo ng istorya, sa di-reksiyon ni Jun Lana. Ang "3 Bachelors" mapapanood na this Sunday. * * * Simula ngayong Sep-tember, magbabalik na sa ere ang critically acclaimed digital movies ng Cinema-laya Independent Film Festival sa TV5, in partnership with The Independent Filipino Filmmakers Multi-purpose Cooperative (IFC). Every Wednesday night sa TV5 ay Philippine Independent Movies Night sa alas-9 nggabi sa 5MAX Movies. Matatandaanang dati nang nagpapalabas ang TV5 ng Cinemalaya films na simula pa ay kasama ng vision ng istasyon ang planong "opening the door to expose Filipino creative and performing talents to the rest of Asia. " Source: Taliba |