|
|
| Iza at Marian, mistulang mga hayop na sabik sa kapirasong laman!![]() Author: Jun Nardo NAKAHINGA na nang maluwag ang Regal Films at GMA Films na producer ng One True Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera with Iza Calzado (ganyan ang dapat na billing). Natanggal lahat ang kaba nila na baka maaapektuhan ang movie dahil sa break-up nina Karylle at Dingdong. Eh, tumataginting na almost P10M ang first day gross ng movie, kaya panay ngiti at maaliwalas na mukha ang nakita namin sa mag-inang Mother Lily at Roselle Teo sa belated birthday party ni Ma'am Malou Choa Fagar last Wednesday. Sa totoo lang, positive naman si Roselle sa magiging resulta ng movie. First movie kasi nina Marian at Dingdong ang OTL kaya feeling niya, sabik ang fans ng dalawa na makita silang magkapareha sa big screen. Pagdating naman sa movie, mabilis ang pacing nito. Pumasok agad ang conflict kina Marian at Dingdong after ng wedding nila at pumapel na si Iza na childhood girlfriend ng actor. Mabuti na lang ang magagaling ang lead characters ng movie kaya na-engross kami sa panonood kahit may mga tanong at the back of our mind! Anyway, hindi talaga nagpatalbog sa acting si Iza lalo na sa mga quiet moments niya. Gamit na gamit niya ang kanyang mga mata. Para siyang si Nora Aunor samantalang Vilma Santos naman ang acting ni Marian sa dahil maingay siya at walang tigil ang hagulgol! Mahusay rin si Dong nang mag-transform na ang kanyang character at nabaling na ang atensyon niya sa childhood girlfriend. Gusto namin ang eksena niya sa ospital at nagsabing, “I miss you!” habang nakatingin sa kanya sina Marian at Iza. Kung mabilis dumaloy ang luha ng dalawa at sapawan sa eksena, sa lips to lips with Dingdong, buka kung buka ng labi ang ginawa nila. Animo'y mga hayop silang naninibasib na sabik na sabik sa kapirasong laman, huh! Para silang sumisipsip ng kuhol! Suwerte naman ni Dong! Wala man sa tabi ni Marian sa premiere ang parents niyang nasa abroad, super-saya naman siya that night dahil dumalo ang lola niya. Lumaki sa lola si Marian kaya naman alang- alang sa kaligayahan nito, gagawin niya ang lahat mapasaya lang siya. Eh, mabuti na lang na kahit busy siya, nariyan ang PLDT Landline Plus Prepaid na taga-konek nila sa kumustahan at balitaan. No wonder, sa ilang eksena sa One true Love, ipinamalas ni Marian ang pagmamahal sa lola na ginampanan ni Boots Anson Roa. Affordable kasi ang PLDT Landline Plus Prepaid dahil imagine, non-stop na ang usapan sa halagang P300 a month. Watch ninyo ang OTL upang masaksihan ang pagmamahal ni Marian sa lola niya at kung paano nakatulong ang PLDT Landline Plus Prepaid sa sitwasyong kinasangkutan niya. Jamming to the max ang naganap sa belated birthday party ng isa sa well-loved persons sa showbiz na si Ma'am Malou-Choa Fagar last Wednesday sa poolside ng Imperial Palace Hotel. Back to 60s, 70s at 80s ang tugtugan with direk Bert de Leon, Tirso Cruz III, Ricky Davao, at Allan K providing the music. Maagang pinasimulan ni Tito Dougs (Quijano) ang inuman sa dala niyang Bacardi. Hindi nakaligtas ang ilang guests nang tagayan sila ng butihing manager. Siyempre, present si Mother Lily na siyang nag-asikaso sa food. Nagbabad naman si Pia Guanio at sabay dumating ang magpinsang Oyo at Gian Sotto. Dumating din si Rita Avila at ang de Leon siblings led by Lotlot, Ian, Kenneth at Kiko with Mai Mai Davao. Tumagal din ng mahigit isang oras si Sen. Bong Revilla at kasunod niyang dumating si Lani Mercado na nag-stay nang matagal at kumanta pa, huh! “Enjoy kasi ako, eh, paminsan-minsan lang naman ito. Friend ko naman si Tita Malou!” sabi ni Lani. Through this column, many thanks sa nagpasaya kay Ma'am Malou pati na ang nagbigay ng food gaya nina Sen. Jinggoy Estrada, Popoy Caritativo, Mayor Toby Tiangco, Klownz/Zirkoh and Mr. Tony Tuvierra. ***For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com. Source: Abante |