|
|
| Iza biglang naging sex-starved![]() Author: Pilipino Star Ngayon Dumating si Iza Calzado sa Christmas party/presscon ng Regal para sa mga pelikulang Shake, Rattle, & Roll 9, Bahay Kubo at Desperadas, kung saan kasama siya sa cast. Gugulatin ng actress ang fans niyang nasanay sa goody-goody role niya, dahil dito'y, sex-starved siya at kung anu-anong malalaswang salita ang lumalabas sa bibig. First time nakasama ni Iza sina Ruffa Gutierrez, Marian Rivera, at Rufa Mae Quinto at puro positive ang sinabi niya sa tatlo. Natuwa nga si Rufa Mae nang ipagtanggol niya't sinabing hindi ito nakikipag-agawan ng lalake, dahil ang mga lalake na ang lumalapit dito. Nagsimula na ring mag-taping si Iza ng Joaquin Burdado na magpa-pilot sa Nagulat ito't first day taping pa lang ay may kissing scene na sila ni Robin Padilla. Akala nito'y, breaking the ice muna ang kanilang gagawin, pero ini-expect at ready siya na may mga eksenang ganun dahil mag-asawa ang role nila sa action series. * * * For three years ang exclusive contract na muling pinirmahan ni Dingdong Dantes sa GMA Network at mananatili siyang Kapuso. After MariMar, asahan nang may kasunod siyang serye at matutuwa pa rin siya kung sila pa rin ni Marian Rivera ang pagsasamahin. Sa tsikang baka ang remake ng Rosalinda ang sunod nilang gawin, “ Nalaman namin kay Dingdong na hindi nagbabasa ng diyaryo ang girlfriend niyang si Karylle, para hindi maapektuhan sa tsismis sa kanila ni Marian. “We're still okay and it could be better if I have more time to spend with her. Masaya si Dingdong na na-aapreciate ng press ang big prizes na ipina-raffle niya at sa rami ng prizes, umabot pa sa second round. Nangako itong mauulit ang bonggang Christmas party, basta nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career. “First time kong nagbigay ng party for the press and I wanna make it big!”, sagot nito sa tanong kung bakit ginastusan niya ng malaki ang party. Source: The Philippine Star |