Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iza, nahawa sa hiwalayan blues sa showbiz

Iza, nahawa sa hiwalayan blues sa showbiz

Author: Ruel Mendoza

MALUNGKOT ngang isipin na pati si Iza Calzado ay nahawa na sa hiwala­yan blues sa taong ito.

After nga ng mga hiwalayan nina Dingdong Dantes at Karylle, Sam Milby at Anne Curtis, Paolo Contis at Isabel Oli, Pauleen Luna at Mayor Sherwin Gatcha­lian, at Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, ngayon ay balitang nagkalabuan na raw ang relasyon nina Iza at non-showbiz boyfriend na si Jerry Garcia.

Umiiwas na raw si Iza na pag-usapan ang tungkol sa relasyon niya kay Jerry. Nagulat nga ang ibang movie reporters dahil dati-rati ay okey lang kay Iza na magkuwento about Jerry. Pero nitong huli ay tila umiiwas siyang sumagot sa mga tanong about her boyfriend.

May hinala ang ibang writers na hiwalay na nga ang dalawa, o papunta na sa hiwalayan ang pagsasama nila.

Kapansin-pansin kasi na may mga lungkot sa mga mata ni Iza ngayon.

Unlike noon na kapag natanong tungkol kay Jerry ay may kislap sa mga mata nito.

Still, mananatiling tsismis lang ang balitang ito hanggang hindi nagsasalita si Iza. Kailangan ay manggaling sa bibig ni Iza ang tunay na kalagayan ng kanyang relasyon kay Jerry.

Kaya wait na lang tayong lahat kung totoo ngang Blue rin ang kulay ng Pasko ni Iza.

Siyanga pala, kasama si Iza sa cast ng Desperadas 2 na isa sa mga official entries ng 2008 Metro Manila Film Festival sa December 25.

Source: Abante