|
|
| Iza, nakikipag-date naAuthor: Nel Alejandrino TYPE raw ni Iza Calzado na kumuha ng tip o 'di kaya'y mag-undergo ng workshop kina Jessica Soho and Vicky Morales, two of the country's foremost broadcasters, bago magsimulang mag-taping bilang tv reporter sa bagong series ng GMA-7 na All About Eve. She loves learning from the experts, ani Iza. Tuwing nagte-tape raw siya for a soap or shoot for a movie, she makes it a point to seek advice on good acting from senior co-stars. So far, according to Iza, she has been lucky na karamihan sa senior at award-winning stars na nakatrabaho niya ay 'di lang pawang mababait, kundi kind to share their expertise as actors pa. Her busy schedule, pag-amin ni Iza, helps her sa pain na kanyang na-feel when she broke up with boyfriend of a few years, Gerry Garcia. She admits she's starting to date again. Ganunpaman, 'di raw ito nangangahulugang ready na uli siya to fall in love. Nakasama si Iza sa cast ng Desperadas 2, ang Metro Manila filmfest entry ng Regal Entertainment last year. * * * Usap-usapan kung magkakabalikan daw sina Anne Curtis at Sam Milby, dahil nabanggit nga ni Direk Wenn Deramas na sweet na sweet ang dalawa sa cast party ng Dyosa, which ended last Friday. Anne and Sam topbilled Dyosa along with Luis Manzano, Zanjoe Marudo, Jaclyn Jose, Mickey Ferriols and Nikki Bacolod. Ganunpaman, sa The Buzz kahapon, binanggit ni Ruffa Gutierrez na nakausap niya si Anne sa despedida party ni Antoinette Taus and she (Anne) allegedly told her (Ruffa) na 'di sila nagkabalikan ni Sam. Matatandaang nasa 'prime,' wika nga, ang romance nina Anne and Sam when reports broke out that the latter proposed a breakup. Sam was said to have cited his 'religion' bilang dahilan kung bakit gusto niyang mag-split sila ni Anne. Hindi ipinagkaila ng aktres na nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Sam. Pero, marami rin ang naniniwalang naging dahilan ito para maging mahusay na artista si Anne at manalong Best Actress for her performance in Baler sa katatapos na Metro Manila filmfest. * * * Alam mo ba, Ian F. , na kahit kailan pala ay 'di nasilayan ni Victor Wood ang kanyang ama? Amerikano raw ito, sabi ng kanyang ina. Nang tanungin naman daw niya ang nanay niya kung ano ang pangalan ng kanyang ama, ang sagot daw nito sa kanya, "Wood. " Tungkol sa first name ng ama, may binanggit daw itong pangalan which sounded more like a palayaw. Ganunpaman, tinandaan daw ito ni Victor. Nu'ng unang beses niyang tumuntong ng Amerika, tinangka ng singer na i-trace ang katauhan ng ama only to discover na namumutakti pala sa rami ang mga Amerikanong "Wood" ang apelyido. Noong kasikatan daw niya as a singer (during the '80s), nabanggit niya sa ilang interview ang pagnanais na makita at makilala ang ama. Ang siste raw, maraming Kano ang nag-claim na ama niya. Victor, together with fellow balladeers Anthony Castelo and Jun Polistico, will be featured in a concert on February 7, 27 and 28 at the Music Museum by Viva Concerts and Events, the same company which produced the successful Golden Divas and Legends of OPM concerts. Golden Divas featured Pilita Corrales, Carmen Pateña and Carmen Soriano. Legends of OPM, meanwhile, gathered together for the first time Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Claire dela Fuente, Eva Eugenio and Joey Albert. Magkakaroon ito ng repeat concert sa PICC sa March 6. Source: People's Tonight |