Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iza, over na

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

KUNG si DENR (Department of Environment and Natural Resources) Secretary Lito Atienza ang masusunod, ayaw niyang pasukin ni Manny Pacquiao ang pulitika. Good friend niya ang boxing champ at aniya, maraming "bubuyog" ang bumubulong kay Pacquiao.


"Pera-pera lang ang pulitika. 'Yung pinaghirapan niyang pera, magagastos lang niya. Ang parati kong sinasabi sa kanya, sa boksing na lang siya dahil dini-Diyos siya ru'n. Kung ang mga tao na ang nagde-demand sa kanya na pasukin niya ang pulitika, go on," said Sec. Atienza over lunch sa kanyang DENR office kasama ang ilang entertainment writers.

All praises siya kay Pacquiao. Aniya, isa itong mabuting tao at kaibigan. Marunong itong tumanaw ng utang na loob at basta may okasyon, parati siyang iniimbita ni Manny at binibigyan ng ticket sa mga laban nito.

"For me, he's a genius kahit hindi siya nakatapos sa pag-aaral. Genius din siya sa ring dahil pinag-aaralan niya talaga ang bawat laban. God-fearing din si Manny at malinaw sa kanya kung saan galing ang mga biyaya niya."

Natsismis noon na binigyan ni Manny si Ara Mina ng sasakyan. Mariing pinabulaanan 'yon ni Sec. Atienza. Aniya, siya ang binigyan ni Manny ng sasak-yang Land Cruiser as birthday gift two years ago.

Asked kung kakandidato uli siyang mayor ng Manila sa 2010 elections, ayaw raw muna niyang isipin ang tungkol sa pulitika. Focused muna siya sa trabaho niya bilang DENR secretary. Gusto niyang mapangalagaan sa tamang pamamaraan ang kalikasan ng bansa. "Gusto kong maging more appreciative ang mga tao sa ating environment. Kung magtutulungan tayong lahat para mapangalagaan ang ating kalikasan, magkakaroon tayo ng better future for our country," he said.

Aniya, priority this year ng DENR ang massive reforestation at plano niyang kumuha ng mga celebrity na may advocacy sa environment para makatulong sa gagawin nilang massive reforestation.

"I'm doing my best in DENR. I'm enjoying my job," he said.

Moving forward

It looks like, naka-recover na si Iza Calzado sa break-up with boyfriend Gerry Garcia. Naka-move forward na siya at aniya, malaking tulong na nag-seek siya ng healing counsel sa isang pari sa Ateneo na naging counselor din ni Karylle sa break-up nito with Dingdong Dantes. Ani Iza, may healing ministry sa Christ The King na nag-e-enlighten tungkol sa break-up. "In every break-up, there's a breakthrough. Malaki talaga ang naitutulong ng healing process," said Iza.

Friends pa rin naman daw sila ni Gerry at may communication pa rin sila. Magkasama nga sila sa isang fun run. "Iba naman kasi 'yung situation namin sa ibang couples na naghiwalay. We had a great foundation. He's a good guy. I miss his company," ani Iza.

Wala siyang date last Valentine's Day dahil may taping siya ng 'All About Eve,' bagong teleserye sa GMA-7 kasama sina Sunshine Dizon, Mark Anthony Fernandez, Richard Gomez, Jean Garcia, Eula Valdez, among others. May nag-text daw sa kanya, but she begged off na pangalanan.

She's dating other guys now dahil single naman daw siya. "Nice and friendly naman ako (laughs). May mga non-showbiz guys na nagpapahapyaw. May prospects na ako. But it will take a while before I open up until I'm ready to share what's going on with my personal life," said Iza.

Bukod sa 'All About Eve,' may mga indie films ding ginawa si Iza - 'Sundo,' 'Fuschia' at 'Manila.' Gagawin din niya ang 'Quija 2' with Judy Ann Santos and Jolina Magdangal sa GMA Films. On March 7, co-host si Iza ni Paolo Bediones sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant. First time mag-host ni Iza at aniya, excited siya at talagang paghahandaan niya 'yon. Si Randy Ortiz ang gagawa ng gown niya.

And more

Mas malalim na ngayon ang akting nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.' Mula lead stars hanggang support ay magagaling gaya nina Eugene Domingo, Carmi Martin, Angelu de Leon, Paolo Contis at maging si Alyssa Alano ay nakikipagsabayan din sa mga ito. Mamaya sa 'ABHSAT,' on-the-run na sina Homer at Proserfina. Magwi-withdraw si Homer ng napakalaking amount ng pera sa bangko... May auditions ang 'Talentadong Pinoy (TV5),' hosted by Ryan Agoncillo. Para sa mga interesado sa reality talent show na ito, go kayo today sa SM Lipa, SM Rosales, Bulacan (March 4) at SM Baguio (March 13 & 14)... Tampok tonight sa 5Max Movies sa TV5 at 9 p.m. sina Angelina Jolie at Antonio Banderas sa suspense-thriller na 'Original Sin.'

Source: Tempo