|
|
| Iza vs. Sunshine: Sino'ng magre-rate?Author: Rowena Agilada MASAYANG, malungkot si Wendell Ramos ngayong may bago siyang TV series, "Kaya Kong Abutin ang Langit," tampok sa "Sinenovela Presents" sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. Si Wendell ang kapareha ni Iza Calzado sa TV version ng KKAAL kung saan role na ginampanan ni William Martinez sa movie version nito in 1984 ang natoka kay Wendell. Aniya, sad siya dahil sana raw ay nakita pa ng yumao niyang talent manager na si Douglas Quijano ang bago niyang TV project. Huling napanood si Wendell sa "Lalola" na last project sa kanya ni Douglas. Nami-miss daw niya ito at hindi niya inaalis ang picture ni Douglas sa bahay nila, ayon kay Wendell. Minsan daw ay nagpaparamdam ito sa kanya at tinatarayan pa siya sa kanyang panaginip. Happy naman daw siya sa bago niyang manager na si Wyngard Tracy na manager din nina Richard Gomez, Lucy Torres at John Estrada. Almost the same raw ang pamamalakad ni Wyngard sa ginagawa noon ni Douglas. Minsan na raw siyang sinungitan ni Wyngard dahil hindi niya ito sinagot nang tawagan siya sa telepono. Natutulog daw siya at nakalimutan niyang ipagbilin sa mga kasama niya sa bahay na gisingin siya pag tumawag si Wyngard. Nasanay raw kasi ang mga ito noon na kapag tumawag si Douglas ay ginigising siya. Eh, iba na nga pala ang kanyang manager ngayon. In any case, happy si Wendell na siya ang leading man ni Iza sa "Kaya Kong Abutin ang Langit." Komportable siya dahil nagkatrabaho na sila sa pelikulang "Sabel" with Judy Ann Santos at sa "Lalola" with Rhian Ramos. "Jolly person si Iza at very professional sa trabaho. Seryoso siya at kinakarir talaga ang kanyang role," ani Wendell. Ka-back-to-back ng "Kaya Kong Abutin ang Langit" ang 'Tinik sa Dibdib" na parehong magsisimula bukas. Tampok naman si Sunshine Dizon sa TSD na role ni Nora Aunor sa movie version nito ang ginagampanan ni Sunshine. Aniya, may pressure dahil baka raw ikumpara siya sa acting ng superstar. "Hindi ko mapapantayan si ate Guy. Pero sana lang, ma-appreciate ng televiewers ang interpretation ko ng character na ginampanan niya sa movie version," ani Sunshine. Ratings-wise, napi-pressure si Sunshine dahil hindi maiiwasang pagkumparahin ang rating ng TSD at KKAAL na magkasunod mapapanood. Magkakaalaman kung sino sa kanila ni Iza ang rater. Bale ba, nagkaroon ng isyu sa dalawa pero sa presscon, kapwa nagpahayag sina Iza at Sunshine na okey na sila. Huwag na raw silang pagkumpitensiyahin dahil parehong maganda ang kanilang respective shows na dapat ay parehong panoorin. Oo nga naman! May kilig pa rin Kahit may kanya-kanyang love interests sina Jay-R at Kyla in real life, may mga kinikilig pa ring fans sa kanila kapag nagdu-duet sila sa "SOP." Para mapagbigyan ang maraming requests, pinagsama sina Jay-R ay Kyla sa "Dear Friend: 3 Bachelors" episode na magsisimula ngayon after "SOP." Tampok din sina Mart Escudero at Jennica Garcia. May lihim na pagtingin si Emily (Jennica) kay Miguel (Mart) na anak ng mayaman niyang amo. May gusto naman si Miguel kay Sarah (Kyla) na ipinagkasundong ipakasal ng kanyang ama sa panganay niyang kapatid na si Vince (Jay-R). Hindi sila makatutol dahil may sakit ang kanilang ama at malapit nang mamatay. Pinakasalan naman ni Miguel si Emily at du'n magsisimula ang hindi pagkakaunawaan nina Miguel at Vince. Second time nagkatrabaho nina Jay-R at Kyla sa isang TV series na ang una'y "Narito ang Puso Ko" six years ago. Ayon kay Jay-R, he finds Kyla very attractive. "Mabait siya pero never kong inisip na magiging kami. May girlfriend ako noon. No'ng nag-split kami, si Kyla naman ang nagka-boyfriend. Now, I'm seeing someone else," ani Jay-R. He's dating Krissa Mae Arrieta, ex-girlfriend ni Polo Ravales. Magkasama ang dalawa sa "Darna" at nagkaroon pa ng kissing scene. Pero ayon kay Jay-R, okey lang 'yon at hindi siya nagselos. "Trabaho lang 'yon," he said. Asked kung may kissing scene ba sila ni Kyla sa "Dear Friend: 3 Bachelors," umiling si Jay-R at nagsabing, "Ayaw niya. Conservative siya." * * * Tampok sa "All-Star K! The P1,000,000 Videoke Challenge" sina Alex de Castro at Alexa Ortega, Rob Sy at Vern Domingo, Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan, Chynna Ortaleza at Railey Valeroso, Lovi Poe at Kevin Santos, Andrea at Adrian del Rosario, Angelica at Beth Jones. "K!llers" sina Imelda Papin at Eva Eugenio. Defending k!ampeon sina Pekto at John Feir. Source: Tempo |