|
|
| JC at Geoff, pinagsasabay ni Carla?![]() Author: Jun Nardo Si Jomari Yllana ang bagong lalaking makakaulayaw ni Carla Abellana sa mga susunod na episodes ng Rosalinda, bukod sa kapareha niyang si Geoff Eigenmann. Present na nga si Jom sa taping nang pumasyal kami. At nu'ng oras na 'yon, ipinakita ni Carla sa amin ang mga pasa sa braso na nakuha niya sa madugo niyang eksena sa taping ng GMA series. Anyway, thankful si Carla sa pagkakasali ni Jom sa series niya. “Kasi matagal na siya sa industry and flattering din lalo na at nakasama niya ang mga baguhang katulad namin ni Geoff,” sey ni Carla. May excitement ba siyang nadarama sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Jom? “Siyempre, hindi! Siyempre, hindi ko pa siya masyadong kilala kaya pangit naman kung ma-excite agad ako. Pero kung kailangan sa eksena, sige. Lalo na kung for the good of the show, I have to do that. I have no choice,” paliwanag ni Carla. Sa nakaraan niyang taping, bukod sa rambulan nila ni Sheryl Cruz, napasabak din siya sa mga actions scenes na kanyang in-enjoy nang husto to the point na sabihan siyang female version ni Lito Lapid. “Binawalan nga akong gumawa ng stunts pero ako ang nagprisintang kaya kong gawin 'yon! I do my own stunts,” sey niya. Eh, kung papalarin siyang gumawa ng action movie, sino ang gusto niyang makapareha? “Robin Padilla!” deklara ni Carla. Naku, matinik sa babae si Robin! “Ahhh...He's old enough to be my father! Ha! Ha! Ha! That would be awkward!” biro ng bida sa Rosalinda. Nakatanggap ka na ba ng regalo mula kay Geoff? “Oo naman! Memorable 'yung binigay niya sa akin nu'ng last birthday ko. Kasi may trabaho kami that day. Holiday 'yung birthday ko. May surprise ang staff sa akin at binigyan niya ako ng gift,” kuwento ni Carla. Nagkasalubong pala sina JC (Intal) at Geoff sa bahay mo? “Uhhmm. Nagkasalubong sila. JC was the one who extended his hand to introduce himself. 'Yun lang,” ani Carla. Hindi ba nagkasabay ang dalawa sa pag-akyat ng ligaw sa kanya sa bahay? “Sino po? Geoff is not courting me! Once, nahatid ako ni Geoff sa bahay after ng taping namin sa Power of 10,” balita ni Carla. So 'yun ang gabing nagkita sila ni JC. Pero totoo bang “that guy” ang tawag ni Geoff sa dating boyfriend? “Hindi. JC! He has a name! Hindi na kami ni JC. Career ang priority ko. Hindi ko kayang balansehin. Close siya sa family ko at close ako sa family niya. We have the same friends. Secure naman siya,” katwiran ni Carla. Posible ba ang reconciliation sa kanila ni JC? “Why not? Puwedeng next year or maybe after ten years!” tugon niya. Source: Abante |