|
|
| JC de Vera, ginamit sa sex video!![]() Author: Alfie Lorenzo Walang bantay si JC de Vera nu'ng presscon ng “Shake, Rattle & Roll X” ng Regal films nu'ng Martes. 'Yun ang kiyems ni Mother Lily na turnover kuno ng pamamahala ng Regal films sa daughter niyang si Roselle Monteverde-Teo. Uhum, nagsawa na ba sina Meme at Dondon at si Goldwyne, at ayaw makisawsaw sa showbiz? Nang tinanong si Roselle kung anong kaibahan nila ng mommy niya, ang sagot niya ay: “Mas well-organized ako”. Tumpak! Swak na swak! Super-tama sa lotto. Dahil kung organized nga naman si Mother Lily, eh 'di sana nanduon siya sa itinakda niyang gabi ng turnover? Wala si Mother Lily kaya walang turnover na naganap! Mali ang araw ng sakay niya sa eroplano mula sa Las Vegas. Na may stopover sa Vancouver, Canada. Sumakay si Madera ng Lunes na akala ay Martes ng umaga ang dating niya sa Pilipinas. Nawala siguro sa loob niya na advanced tayo ng one-day kesa Amerika. Kaya nu'ng sumakay siya ng Lunes, eh Martes na dito 'yun! Kaya dumating si Mother Lily sa Pilipinas ng Miyerkules ng umaga. Ha! Ha! Ha! Ha! But just timely naman para sa kanyang grupong Wednesday club. Pero, maging si Roselle ay hindi naniniwalang turnover nga ang magaganap dahil sigurado ako that Mother Lily will still be on top of everything! 20 years nang sinasabi ni Mother Lily na magku-quit na siya sa paggawa ng pelikula. Pero maging ang mga reporters ay nasanay na sa style na 'yan ni Madera kaya iniba naman ang gimik. Si Mother Lily pa? Eh, showbiz ang therapy niya sa buhay, noh! Kaya nga humaba ang buhay niya kesa iba pang naging producers ng bansa dahil diyan ang buhay niya kahit hindi 'yan ang ikinabubuhay niya! So, what else is new Louie Ilokano? May isang M2M DVD na kumakalat na kina-claim nila na si JC de Vera raw 'yun nu'ng wala pa siya sa showbiz. Excited akong pinanood ang binatang nagpapaligaya sa sarili sa harap ng laptop niya. 20 years old daw 'yung nasa DVD. Meaning, now that JC is 23 years old ay nangyari nga ito o nakunan ng video three years ago. Kinunan ko ng litrato ang video. Pinadebelop ko at kahawig nga ni JC ang nasa DVD. Ikinumpara ko ang mga ngipin ni JC sa close-up shot ko ng binatang nasa DVD na litaw ang buong ngipin sa kunwari ay ejaculation shot nito. JC looked at the shots comparing his dentures to that of the DVD guy. “Ah, hindi po ako 'yan. Buo po ang mga ngipin ko at pantay. 'Yan eh may sungki o pangil,” ani JC de Vera. “Eh, sino po 'yan? Ano po ba 'yan?” dugtong na tanong pa ni JC sa akin. Sinabi naming isang sex video 'yun na ikinakalat ngayon at ginagawang JC de Vera scandal. Nanloloko lang 'yang mga nagbebenta niyan, eh,” sabi pa ni JC. Ipinakita namin 'yung shot ng maliit na nota nung nasa sex video. Hinamon ko si JC de Vera na ikumpara nga namin 'yung nota ng nasa video sa nota niya. Isang malutong na halakhak ang itinugon ng binata na ngayon ay halos nasasanay na sa kalakaran ng showbiz at game na ring magsasagot maging sa mga maintrigang mga tanong. But in fairness, cute naman at amusing sumagot si JC, unlike others na akala mo eh mga sikat na wala nang pagkalaos! Nakatuntong pa rin sa lupa ang mga paa ng alaga ni Annabelle Rama dahil pag inangat niya ang mga paa niya, eh kami ang unang-unang uupak sa kanya! And he knows that. Kasi ako ang in-assign ni Bisaya para mangaral sa alaga niya. The same good deed we did for William Martinez, Richard Gomez, Lito Pimentel, Isko Moreno, among a few, decades ago. The same pangaral na pinagsamantalahan ngayon ni Piolo Pascual. Amen. Source: Abante |