|
|
| JC de Vera hindi puwedeng 'iburo' ng Kapuso networkAuthor: Tonee Coraza HINDI frozen delight si JC de Vera sa GMA-7. Ito mismo ang sinabi sa amin ng isang Kapuso executive nang makausap namin kamakailan. Marami kasi ang nag-aalala na baka i-freeze si JC sa GMA ngayong nag-testify siya laban sa GMA exec na si Wilma Galvante sa demandang inihain ng manager niyang si Annabelle Rama dito. Nasa pre-production na raw ang Sine Novela na Ngayon At Kailanman na pagbibidahan ni JC kasama si Heart Evangelista na alaga rin ni Tita Annabelle. Hindi raw puwedeng iburo ng Siyete si JC dahil may kontrata ang aktor sa network. Ang naturang GMA-7 exec din ang nagsabi sa amin na mataas ang rating ng Zorro ni Richard Gutierrez at patuloy na nagtitiwala ang network sa kakayahan ni Chard. Sigurado kaming mapapangiti si Tita Annabelle sa impormasyong ito. * * * NALOLOKA naman kami sa paborito naming gag show sa ABS-CBN na Banana Split. Ipinasok na nga nila ang cast ng Parekoy na sina John Prats, Zanjoe Marudo at Jayson Gainza (na nagpabago na sa concept ng show dati na all-sexy female cast only). Heto't nalaman namin na pati ang mga komed-yanteng sina Pokwang at Pooh ay idinagdag na rin sa show. Akala ba namin ay nagtitipid sa budget ang production ng Banana Split kaya nila tsinugi sina Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion at Diane Medina kapalit ng tatlong Parekoy cast? Eh, bakit idinagdag pa nila sina Pokwang at Pooh? 'Di mas marami pa silang artistang nasa payroll ngayon ng show kaysa dati. At saka, wala ba silang tiwala sa kakayahan nina Cristine Reyes, Angelica Panganiban, RR Enriquez at ng tatlong Parekoy (packaged deal na raw kasi sina John, Zanjoe at Jayson Gainza) na magpatawa ng televiewers at kailangan pa nilang magdagdag ng dalawa pang comedians sa show? Anyway, malapit na ang grand opening (May 18) ng Salon de Poohkwang nina Pokwang at Pooh na located sa 101 West Ave, QC (right beside St. Vincent School). Ngayon palang ay dinarayo na ito ng mga tao dahil sa quality ng services nila at affordable na presyo. * * * HINDI na kami nagtataka kung bakit napakataas ng ratings ng Tayong Dalawa to the point na matalo nito ang ka-tapat na show sa ka-labang network. Kasi naman punumpuno ng surprising twists and turns ang plot kaya naman name-maintain ng show ang interest ng televiewers. Pagkatapos nating malaman na si Cherry Pie Picache pala ang legal wife ni David Garcia, Sr. (kaya ang pamilya ni Cherry Pie ang legal na tagapagmana ng lahat ng iniwang pag-aari ni David, Sr. ), heto't mabubulgar ngayon na kambal pala ang dalawang David Garcia, Jr. na ginagampanan nina Jake Cuenca at Gerald Anderson. Anak pala silang dalawa ni Cherry Pie. Kung paano nangyari 'yun ay malalaman natin sa su-sunod na episodes ng Ta-yong Dalawa. Samantala, parehong binigyan ng award sina Jake at Gerald ng Philippine Military Academy kamakailan lang for their good portrayal as soldiers sa Tayong Dalawa. Dahil daw sa show ay nag-increase ng 300 percent ang recruitment nila sa PMA. Source: Taliba |