|
|
| JC, dedma sa bangayang Pauleen-Michelle at Michelle-Yasmien![]() Column: Basta Naurong sa August ang shooting ng GMA Films movie na Sundo nina Robin Padilla at Sunshine Dizon na naka-schedule sa July 15, kaya may time makapag-pahinga ang actor pagkatapos ng nakakapagod na finale ng Joaquin Bordado. Kita naman sa last episode kung paano pinaghirapan ng cast, lalo na ng actor, ang ending nito na kinakitaan namin ng Korean flavor sa kakaibang shots at action scenes. Ang galing-galing ni Kylie Padilla at gusto naming isiping preview ang ipinakita nito sa gagawin niyang show sa GMA-7 na sikreto pa. Nasa live final night din ang mga anak pa ni Robin na sina Queenie na makakasama niya sa Totoy Bato at ang bunsong si Ali na may cameo role sa Joaquin Bordado, pero hindi muna siya pag-aartistahin ng ama. Aakyat ng Baguio si Robin para magmuni-muni at siguro, para planuhin ang mga bagong ipakikita sa pelikula at bagong show. Tuloy na ang Totoy Bato at ang sumulat nitong si Direk Carlo J. Caparas mismo ang nag-announce. Ano nga ba ang meron sa kanya't pinag-aawayan siya? "Ewan ko ba sa kanila, hindi naman siguro dahil sa akin, kaya may dedmahan at may word war pa. Hindi ko alam kung bakit sila nag-aaway at ayaw kong mamagitan, baka lumala pa ang gusot. Ayaw ko silang tanungin bakit sila ganu'n, sana wala nang away," sabi ni JC. Naguluhan pa ang actor, dahil kasama na rin sa isyu si Rhian Ramos, na pinagseselosan daw ni Yasmien, dahil makakapareha niya sa La Lola, next show niya sa GMA-7. Sabi raw ni Yas, mas malakas ang loveteam nila ni Rainier Castillo. "I'm sure, hindi pababayaan ng Channel 7 ang loveteam namin ni Yas, pahinga lang muna kami, kaya kay Rhian muna ako itatambal. Tiyak, magkakaroon din siya ng show na iba ang kapareha. Hindi rin naman kami mami-miss ng fans, dahil may movie kami, itong Loving You ng Regal. Maganda ang pelikula't magugustuhan nila," plugging ni JC. Sila sana ang mga bida sa Here Comes the Bride, entry ng OctoArts Films at MLR Films ni Atty. Joji Alonso sa Metro Manila Film Festival, dahil naghiwalay, papalitan na sila. Nanghinayang si Atty. Joji, dahil ipinahiram na ng ABS-CBN ang dalawa, hindi pa natuloy. Thankful na rin siya na hindi sila nakapasok sa MMFF at tiyak na mamumroblema sila. This week ang balik ni Angelica from New Jersey. Malalaman sa kanya kung drama lang ang break-up nila ni Derek at pag-iyak niya sa presscon ng Iisa Pa Lamang, dahil itinatanggi ito ng actor. Source: People's Tonight |