Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

JC gustong i-renew ang kontrata sa Kapuso

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

TulUy-tuloy na ang taping ni JC de Vera ng Ngayon at Kailanman with Heart Evangelista, pero inamin ni JC na nakakaramdam siya ng "panlalamig" sa ibang GMA executives.

Hindi pa rin sila nagkikita at nagkakausap ni Ms. Wilma Galvante hanggang ngayon.

At aminado siyang muk-hang malabong maibalik ang dating pagtinginan sa kanya ng naturang GMA exec dahil nga sa demandahang nangyari sa pagitan nito at ng manager niyang si Annabelle Rama.

Sa February 2010 pa matatapos ang contract niya sa GMA at he's still hoping na magre-renew siya.

Ayaw niya talagang umalis sa GMA kasi dito na siya nagsimula.

Kaya ang loyalty niya ay nananatili sa Kapuso Network.

Napanood namin ang teaser ng Ngayon at Kailanman at tulad ng dati ay napakagaling dito ni JC bilang si "Edwin" na orihinal na ginampanan ni Richard Gomez sa pelikula noong 1992 with Sharon Cuneta.

Maganda rin sana kung ang orihinal na director nito na si Joel Lamangan ang humawak ng TV version nito, considering na vocal naman si Direk Joel sa paghanga kay JC bilang isang maga-ling na actor.

Kaso kay Direk Mike Tuviera natoka ito.

Magaling din dito si Heart Evangelista na siya namang gumaganap sa papel ni Sharon noon.

Bago kombinasyon naman ang team-up nilang dalawa ni JC at nakakakitaan naman namin sila ng chemistry.

* * *

Bongga ang book launching ng Si Tatang at mga Himala ng ating Panahon ni Ricky Lee na ginawa sa PowerBooks Megamall noong Linggo.

Dumating ang mga kai-bigang artista ni Ricky tulad nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Jean Garcia, Robi Domingo, Melanie Marquez, Matet de Leon, Allan Paule, Ricky Davao, Chanda Romero at Vangie Labalan.

Binasa ni Angel ang ilang excerpts sa pelikulang Himala ni Nora Aunor at palakpakan ang lahat nang nandoon sa galing ng pagkaka-deliver ni Angel ng mga linya.

Gumawa siya ng sarili niyang interpretasyon at hindi niya ginaya ang acting ni Ate Guy lalo na sa famous line ng movie na, "Walang himala! Ang himala ang galing sa ating puso. Tayo ang gumagawa ng himala.... ".

Mismong si Ricky Lee ang pumuri sa galing ni Angel at puwede rin daw ihantulad siya kay Nora mismo.

Ano naman kaya ang masasabi dito ni Ate Vi na future mother-in-law naman niya?

* * *

Aba nakabawi na ang Hole in the Wall sa rating at lumalaban na ito nang husto sa katapat na Koreanovelang Boys Over Flowers.

At bilang pasasalamat ay puro celebrity teams ang maglalaban-laban next week.

Nandiyan ang team ni Keempee de Leon kasama ang Sexbomb girls na sina Mia at Aifa laban sa team ng Shamrock Band.

Magkakalaban naman ang team ni Yasmien Kurdi plus her friends at ang team ni Tuesday Vargas with their dyowas.

Ang team naman ni Rai-nier Castillo and friends at ang team ni Nadine Samonte plus her siblings ang maglalaban.

Aba, marami na ring fans ni Edoard, ang guwapong Belgian lifeguard ng show.

Ang dami na ring nagpapa-picture at nagpapirma sa kanyang fans.

Balita namin ay interesadong papirmahin na siya ng GMA Artist Center.

Source: Taliba