Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

JC, nagulat sa isyung Mark-Rhian

Author: Nitz Miralles

TINAWAGAN pala agad ni Rhian Ramos si Mark Herras after her interview last Thrusday para sa nalalapit sanang ending ng La Lola, pero nabaling ang usapan sa nabuking na secret relationship nilang dalawa.

Sabi raw ni Mark, wala siyang inaming relasyon nila sa press at sagot ni Rhian, sana'y tinawagan muna niya ang actor bago siya na-interview.

Paglilinaw lang, nauna naming na-interview si Mark para sa Paano Ba Ang Mangarap?, ang balik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado na magpa-pilot sa February 16, pero nauwi rin sa kanila ni Rhian ang usapan.

Nang tanungin namin kung totoong four months silang nagkarelasyon ni Rhian, nakiusap si Mark na 'wag nang pag-usapan ang tungkol doon at may sarili na raw silang buhay, pero inaming biglang natapos ang kung anuman meron sila dahil may ka-loveteam si Rhian.

Tinanong uli namin si Mark kung true na four months sila ni Rhian at kung kailan nag-start at nag-end ang relasyon nila?

"Walang months 'yon, walang date at 'di nagtagal dahil may ka-loveteam siya at ayokong makasira sa first soap nila. Hindi kami officially on at 'di rin kami solid, after ITALY, naghiwalay na kami.

"Siguro kung magkasama pa rin kami, baka okey pa kami. "

O, 'di ba, sa mga pahayag ni Mark, naging sila ni Rhian?

Ayaw nga nitong tanggaping martir boyfriend siya dahil pinabayaang ma-link si Rhian habang sila pa.

Ayaw lang niyang matawag na pakialamero.

Anyway, isang sexy Mark ang mapapanood sa Paano Ba Ang Mangarap? dahil pumayag siya sa mga eksenang topless siya at nagsu-swimming.

Pinanood niya ang pelikula para magka-idea sa role ni Christopher de Leon na gagampanan niya sa TV remake. Naniniwala siyang may asim pa ang loveteam nila ni Jennylyn.

* * *

BIGLANG tumahimik si JC nang marining na naging sina Rhian at Mark for sometime.

Hindi na namin ito tinanong kung dahil sa selos o disappointment ang pananahimik niya. Ang akala nito'y na-link lang ang dalawa, pero sana hindi maging daan 'yon para magbago ang isip niyang yayaing mag-date sa Valentine's Day ang kapareha sa La Lola.

Nagulat daw siya, pero hindi nasaktan dahil bigla ang paglabas ng isyu. Akala nito, alam na niya ang lahat sa kapareha at bilang depensa kay Rhian, sinabi nitong kahit siya'y may sikreto ring hindi alam ng actress.

Bumalik ang sigla ni JC nang malamang sa next project niya, si Rhian pa rin ang makakapareha niya. Adaptation daw ng Korean novela ang kanilang gagawin at kung matutuloy ito, ibig sabihin, hindi makakasama ang actress sa Zorro.

Samantala, sa La Lola, maririnig ni Julia (Lovi Poe) na ampon lang siya ni Susanna (Eula Valdez), itatanong nito sa ina kung Babaylan ba sila dahil sa sign sa kanyang kamay.

Pinayuhan naman ni Gary (Keempee de Leon) si Lola (Rhian) na aminin na kay Facundo (JC) ang totoo.

Kukomprontahin ng binata ang dalaga kung totoo ang ipinakita sa kanya ni Oreng kung paanong naging Lola si Lalo.

Hanggang this week na lang ang La Lola at tsinika ni JC ang ending nito na bawal lang isulat. May bagong characters pa ring papasok sa ending na ikagugulat ninyo.

* * *

MAMAYA na ang premiere ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang after Gagambino at kahapon, todo ang TV promo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa SOP, kinilig ang fans dahil sa galaw ng ulo ng actor, tila itinuloy nito ang paghalik kay Marian kahit may sumbrerong nakatakip.

Kung naseksihan kayo kay Marian sa Marimar at Dyesebel, mas maseseksihan kayo sa kanya rito sa bagong soap nila ni Dingdong.

Mapu-flaunt ang 34-22-34 vital stats ng actress at 97-lbs. weight, pero kumakain daw siya sa lagay na 'yon.

Ayaw mag-spoiler ni Marian kung bakit daring at bolder siya rito at may topless scene pa na abangan n'yo na lang kung saang episode.

Tinapatan siya ni Dingdong na pilot episode pa lang, nag-topless na at ipinakita kung bakit siya one of the sexiest men in the world.

Hindi pala naniniwala si Dingdong na last project na nila ni Marian ang Ang Babaing..., at natuwa sa nalamang gusto ni Direk Carlo J. Caparas na sila pa ring dalawa ang mag-kapareha sa Somewhere na sinulat din ng director at nabili ng GMA-7 ang rights.

Ikinatuwa rin ng actor ang narinig na ipinahiram uli siya ni Annette Gozon-Abrogar sa Regal para itambal kay Marian at nag-iisip na si Mother Lily Monteverde ng movie project para sa kanilang dalawa.

* * *

MATABA si Jay-R Siaboc at kailangan niyang mag-diet para mag-swak siya sa role na alter ego ni Kapitan Boom (Jon Avila) sa Komiks Presents: Sanlakas lalo na kung magku-costume rin siya.

Ang magkaroon ng bagong album ang gusto ni Jay-R at sana, this year na raw ito, ire-release rin ang repackaged first album niya na hindi raw na-promote nang husto.

Birthday ni Jay-R last January 21, medyo malungkot siya dahil nasa U. S. ang nobyang si Irish Fullerton.

Babawi na lang sila sa pagbabalik ng GF sa February. 18, sabay-sabay na nilang ise-celebrate ang birthday niya at first anniversary sa Feb. 7.

Source: People's Tonight