Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

JEAN, TINAWAG NA MATANDA NI ARA? “Mas matanda ako kay Ara, pero hindi ako mukhang matanda!” -- Jean

JEAN, TINAWAG NA MATANDA NI ARA? “Mas matanda ako kay Ara, pero hindi ako mukhang matanda!” -- Jean

Author: Rey Pumaloy

Mabuti na lang at malamig ang ulo ni Jean Garcia nang ibalita sa kanya ang diumano'y naging pahayag ni Ara Mina tungkol sa natsitsismis na relasyon nila ni Polo Ravales.

Sinabi raw kasi ni Ara sa isang interview na ang mga ex-boyfriend niya ay napupunta sa mga mas matanda sa kanya, matapos niya silang hiwalayan.

Sina Polo at Jomari Yllana ang tinutukoy na ex-boyfriends ni Ara. Si Jomari ay boyfriend ngayon ni Pops Fernandez, at si Polo ay natsitsismis kay Jean ngayon.

Anyway, may malisya ang pagkakakuwento kay Jean ng sinabi umano ni Ara. Kumbaga, sinabi ng tao kay Jean na sinabihan daw siyang 'matanda' ni Ara.

At siyempre, tumaas ang kilay ni Jean sa balitang 'yon. Aba, pangit nga naman 'yung maakusahan kang matanda, 'no!

Anyway, sa totoo lang ay walang malisya ang pagkakasabi ni Ara tungkol doon. Hindi tinawag ni Ara na 'matanda' si Jean, kaya hindi dapat mag-react ng bayolente si Jean.

“I have nothing against Ara. Maybe she has the right to comment on that kasi nga ex-boyfriend niya si Polo.

“Hindi naman ako madaling mapikon sa mga ganyang isyu. Hindi ako mapagpatol, kasi hindi naman ako affected!

“Kilala naman ninyo ako, 'pag may ginawa ako or may narinig akong hindi maganda sa pandinig ko, ipi­naglalaban ko 'yon.

“Kahit anong sabihin nila, okey lang, karapatan nila 'yon. At hindi naman kapatul-patol 'yang mga ganyang issue!” umiirap na sabi ni Jean.
“Yeah, mas matanda nga ako sa kanya (Ara). Pero hindi ako mukhang matanda.

“Pakitanong na lang nga sa iba kung mukha akong matanda? Siguro, puwedeng sabihin na mature ako, but I'm not old!” dugtong pa ni Jean.
Nilinaw ni Jean na hindi siya galit kay Ara, dahil alam niyang wala itong ibig sabihin sa kanyang naging pahayag.

At ipinagdiinan din ni Jean na wala pa silang relasyon ni Polo.
“Kayo kasi, bakit ba ipinagpipilitan ninyong mag-boyfriend kami ni Polo eh, hindi naman!

“Alam naman ninyo na wala akong itinago sa buhay ko. Ngayon pa ba ako magtatago sa edad kong ito? Nakakaloka!

“Alam ni Pol (tawag niya kay Polo) na hindi ako ready for another relationship dahil masaya ako being single, masaya ako sa career ko, sa family at sa mga kaibigan ko.

“I can go out anytime and anywhere I want. I can be with people or friends that I'm comfor­table with. Ayoko nang pinagbabawalan ako, ayo­ko nang nagpapaalam pa sa kung kani-kanino.

“As I've said, lumalabas kami ni Pol. We enjoy, we go out. Masaya na kami sa ganun,” say na lang ni Jean.

Siyanga pala, proud na proud si Jean sa papel niya bilang nanay ni Ma­rian Rivera sa Dyesebel ng GMA 7.

Sabi nga ni Jean, hindi siya pinatanda sa Dyese­bel, bagkus ay ginawa pa siyang sopistikada.

Source: Abante