|
|
| JEN, TAKOT MAWALA SA GMA!![]() Author: Rey Pumaloy MALABO ngang mapunta kay Jennylyn Mercado ang tronong iniwan ni Angel Locsin sa GMA 7, lalo na at masama ang loob ng Siyete sa manager nilang si Becky Aguila. Sabi nga, normal lang na tabangan na ang GMA sa lahat ng alaga ni Becky. Puwede ngang isipin ng GMA na baka kapag napasikat pa nila ang ibang alaga ni Becky ay agad din itong ililipat sa kabilang istasyon. Anyway, possible ngang maapektuhan ang career ni Jen ngayon. Sigurado nga na hindi na makikipag-negotiate ang GMA kay Becky at damay nga roon si Jen. Sa kuwento ng isang kaibigan, madalas daw na umiiyak si Jen ngayon, dahil sa takot na mawalan siya ng career sa GMA. Lalo na at naririnig na nga niya na hindi na makikipag-usap ang GMA sa manager nila ni Angel. Eh, paano naman nga siya magkakaroon ng project sa GMA, kung hindi mag-uusap ang manager niya at ang GMA. Eh, masaya pa naman si Jen sa GMA. Hay naku, sana naman ay maisaalang-alang kahit papaano ang naabot na tagumpay rin ni Jennylyn. Hindi sana siya tuluyang mawalan ng trabaho, nang dahil lang sa nangyari kina Angel, Becky at GMA. *** Sa The Buzz last Sunday, humingi ng tawad si Becky Aguila sa GMA 7. Sabi ni Becky, wala silang intensiyon na saktan ang Kapuso Network. Pakiusap niya na matanggap ng GMA ang kanilang desisyon. Sabi pa ni Becky, tinatanaw nila ang malaking utang na loob sa GMA. Nakiusap din si Becky, na huwag idamay ang iba niyang alaga tulad nina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion sa gusot. Ipinagdiinan din ni Becky na malinis na babae si Angel at hindi ito papatol sa kung sino lang sa pera. Parehong nasa London pa ngayon sina Becky at Angel. Hindi pa sigurado kung kailan uuwi si Angel sa Pilipinas. Source: Abante |