|
|
| JENNY SYQUIA, TAGUMPAY ANG NEGOSYO SA TATE! Ano ang masasabi mo, Gabby?![]() Author: Jojo Gabinete May unsolicited advice kami para kay Gabby Concepcion. Hindi biro ang labintatlong taon na pagkawala ni Gabby sa Pilipinas kaya tiyak na matindi ang kanyang jetlag. Live ang guesting ni Gabby sa The Buzz, ilang oras pagkatapos niyang dumating mula sa Amerika noong nakaraang linggo. Malinaw ang sinabi ni Gabby sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda, tutupad siya sa kasunduan nila ng producer ng GMA Films. Four days later, iba na ang stand ni Gabby. Ibabalik na lamang niya ang downpayment na tinanggap mula sa GMA Films. Sinundan pa ito ng paulit-ulit na paghingi niya ng sorry kay Sharon Cuneta na para bang dekada '90 pa rin hanggang ngayon. Thirteen years na kaya ang nakalilipas? Hindi malabo na mapalitan ng pagkasawa ang excitement na nararamdaman ng mga tagahanga ni Gabby sa kanyang pagbabalik kung hindi siya magpapaawat sa pagbibigay ng mga inconsistent statement. Kailangan ni Gabby ng kumpletong pahinga. Palipasin muna niya ang kanyang jetlag para hindi na siya pabagu-bago ng mga sinasabi. Mahirap magsalita sa harap ng mga TV camera. Naka-record lahat ang kanyang mga binibitiwang salita. Mga salita na puwedeng makasira sa kredibilidad niya dahil sa kanyang mga inconsistent at papalit-palit na statement. Hindi basehan ang mainit na pagtanggap sa kanyang pagbabalik-bayan ng isang successful showbiz comeback.*** Dahil sa pagbabalik ni Gabby sa Pilipinas, muling napag-uusapan ang ina ng kanyang mga anak mula kay Sharon Cuneta hanggang kay Jenny Syquia. Nagsalita na sina Sharon at Grace Ibuna tungkol sa pag-uwi sa bansa ni Gabby kaya si Jenny Syquia na lamang ang walang pahayag tungkol sa kanyang ex-husband. Ang pagkakaalam ng iba, tahimik na namumuhay sa Sweden si Jenny, kasama ang anak nila ni Gabby na si Cloie at ang kanyang Swedish husband na si Philip Skarne. Mali ang akala dahil nasa Amerika si Jenny at abala ito sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo, ang Charm and Luck, isang kumpanya na manufacturer ng mga mamahaling bag at accessories. Isang kaibigan ang nagbigay sa amin ng tip tungkol kay Jenny at sa business nila ng kanyang kapatid. Hindi kami nahirapan na maghanap ng impormasyon na may kinalaman sa booming business ng ex-wife ni Gabby dahil sa Internet website ng Charm and Luck. May kamahalan ang presyo ng mga bag at accessories na produkto ng Charm and Luck pero mga sikat na Hollywood celebrity ang kanilang mga kliyente gaya nina Paris Hilton, Beyonce, Lindsay Lohan, Pamela Anderson at Nicole Richie. Naka-post sa website ng Charm and Luck ang history ng kumpanya na mismong si Jenny ang sumulat: “It's been a wild ride and we are ready for more!” “I founded Charm and Luck sometime in late 2003 by making some handbag sketches and samples, and luckily I was able to quickly enlist/coerce my invaluable sister Christine to join me as partner. Since our “official” start in April 2004, together, unbelievable and quite miraculously, we've grown Charm and Luck into what it is today: a fun-loving handbag and accessories company found in over 1,500 stores in 20+ countries. “A fun-loving handbag and accessories company.” “However, those experiences did not teach us many of the most basic things we needed to know to get Charm and Luck going: how to lay tarp at our trade show booths, how to stand on your feet for 10 hours without lunch (actually maybe Nordstrom helped Christine learn that), how to remodel your infant son's bedroom into a quasi-storage facility. “Happily we now have a shipping warehouse so my nephew has his room back! “Our past experience in fashion has helped us. Charm and Luck is all about fun and whimsy. Christine and I laugh all the time, even though we're exhausted (perhaps because we're exhausted). Charm and Luck is color, sparkle, fun.. Charm and Luck is for women that already have charm and luck, and probably a lot of it!” Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |