Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jackie Rice napipiling gumanap sa remake ng Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa

Jackie Rice napipiling gumanap sa remake ng Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa

Author: Gerry Ocampo

MULA nang mag-pose sa isang men's magazine si Jackie Rice ay muling umingay ang kanyang showbiz career.

May tsikang siya umano ang na-pipisil gumanap sa remake ng Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa, na unang ginampanan ni Gloria Diaz at sinundan ni Ruffa Gutierrez.

"Balita lang po 'yun at sana nga totoo," depensa agad ni Jackie.

If ever na matuloy ang remake ng naturang movie ay type niyang maging leading man either kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Kung hindi naman daw uubra ang dalawa dahil sa sobrang hectic ng schedule ng mga ito ay puwede na rin daw si Dennis Trillo.

Magmula nang maging ganap na dalaga ay naging palaban na si Jackie.

Hindi kaya dahil nagrerebelde ito nang magkahiwalay sila ng boyfriend?

"Hindi naman po. Nasa tamang edad na po para tumanggap ng mature roles. Hindi naman po puwede laging pa-cute na lang ang gagawin ko sa TV or movie kung may offer. Nakapag-move on na ako at sana ganoon din siya (ang boyfriend na taga-showbiz din)," say pa ni Jackie.

Source: Taliba