|
|
| Jackie, tatalupan ng SiyeteAuthor: Nitz Miralles Father's Day na sa Linggo at nauna nang nag-celebrate ng Father's Day sina Jomari at Andrei Yllana. Dinala niya sa Hong Kong Disneyland ang bagets at ipinamili ng gamit sa school. Natutuwa siya't mahilig sa sports, sa beach at mag-travel ang anak gaya niya. * * * Ang acting nina Maxene Magalona at Glaiza de Castro, bida at kontrabida sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, ang isa sa mga aabangan sa afternoon soap ng GMA-7 na iere na sa Lunes. Kung ibabatay sa trailer at sa mga papuri ni Jackie Lou Blanco, panalo ang huli. Kahit si Maxene, aminadong magaling si Glaiza at nadadala siya sa husay nito. Thankful si Glaiza sa papuri nina Jackie Lou at Maxene, may konting pressure sa first time niyang pagku-kontrabida, pero enjoy siya na iba't ibang emosyon ang ipapakita. Magkasama sila rito ni Patrick Garcia, na umaming niligawan siya, pero tumigil at ngayon ay friends na lang sila. * * * Pumasok sa Adik Sa 'Yo si Polo Ravales as himself na mai-involve kay Camille (Pauleen Luna) at pagseselosan ni Ruben (Dennis Trillo). Guest lang ang actor sa rom-com series for two weeks at guguluhin lang niya ang relasyon nina Ruben at Camille. Sa July, papasok na si Eugene Domingo sa role ni Fatima, ang tunay na ina ni Joan (Jolina Magdangal) at tiyak na riot ang mga eksena nito. Tinapos lang ng komedyana ang launching movie niyang Kimmy Dora, na ang isa sa mga producer ay si Piolo Pascual. Ang tanong ngayon ay kung papayag ang Star Cinema na i-distribute ang movie 'pag nakiusap si Piolo? May problema yata dahil kay Eugene at sa guest leading man niyang si Dingdong Dantes na parehong Kapuso talents. * * * Dagdag lang ang role ni Jackie Rice sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, kaya may konting pressure sa kanya't wala siyang pagbabasehan. At the same time, challenge rin ito at chance niya to shine para sa next project, siya na ang bida at hindi support na lang. Balitang ire-repackage si Jackie as a sexy star at ang pagku-cover sa July issue ng Maxim mag daw ang simula ng sexy image niya. Wala pang alam si Jackie sa plano ng GMA-7, pero kaya raw niya ang mga role na ginagawa ni Marian Rivera at ang pagpapaseksi nito. Inalam namin kung gaano siya ka-sexy sa mag, pero abangan na lang daw. * * * Kahit hindi kilala ang Japanese cast ng One Liter of Tears, pumapalo pa rin ito sa rating dahil sa magandang istorya. Sa ending mamaya, malalaman na kung ano ang mangyayari kay Aya (Erika Sawajiri) at sa nagmamahal sa kanyang si Haruto. Based ito sa true storey ng Japanese girl na si Aya Kito, na kahit may incurable disease, umabot pa rin sa 25 years old, pero hindi na makakilos, makakain at makapagsalita. Source: People's Tonight |