Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jairus Aquino is one of today's most in-demand child stars

Jairus Aquino is one of today's most in-demand child stars

Author: Bernie Franco

It is safe to say na sa mga batang artista ngayon, isa si Jairus Aquino sa mga pinaka-in demand. Siya ang gumanap na Pareng Jomar sa sikat na teleseryeng Super Inggo na pinagbidahan ni Makisig Morales. Naging isa rin siya sa mga pangunahing bida ng pambatang teleserye Kung Fu Kids bilang si Lembot. Ilan pa sa mga teleserye kung saan siya lumabas ay ang Lastikman at Rounin.

Ang 10-anyos na si Jairus ay kasama din sa katatapos lang na afternoon teleseryeng Pieta na pinagbidahan ni Ryan Agoncillo. Ikinuwento rin ng child actor ang mga pagkakataon niyang nakita sina Ryan at Judy Ann Santos sa set ng Pieta. Aniya, tuwing dadalaw ang aktres ay may dala siyang pagkain para sa lahat at napaka-friendly. Saksi din si Jairus sa sweetness noon ng dalawa. "Sweet po sila. 'Pag pagod na si Ate Judai pinapahiga po Kuya Ryan sa balikat po niya," share niya.

Kasama rin si sa Komiks Presents: Nasaan Ka Maruja?, sa pelikulang OMG (Oh My Girl) kung saan ginampanan niya ang batang role ni Ogie Alcasid at sa isang short film.

Para sa kanya, ang kahulugan lamang ng pagiging sikat ay makasama niya ang kanyang mga iniidolo. "Marami ka pong nakakasamang artista na iniidolo mo ini-imagine mo lang na kasama mo siya tapos close kayo," sabi ni Jairus.

Ganunpaman, normal pa rin naman siyang nakikipaglaro sa ibang bata at nakakapag-aral. Paliwanag din niya, kahit kilala siya ay hindi niya ito ipinagyayabang. "Hindi naman po ipinagyayabang (ang kasikatan) kung ganon mawawala po yon. Dapat 'pag sikat humble lang po."

Know more about this promising young actor. Text JAIRUS ON to 2366 and get daily KText messages from him. Available to Philippine residents only.

Source: ABS-CBN Interactive