Jake Cuenca denies getting Melissa Ricks pregnant Author: Heidi Anicete Nitong nakaraang linggo, isang kontrobersyal na bulung-bulungan ang lumabas na nagsasabing nagdadalang-tao di umano si ang aktres na si Melissa Ricks. Kanina sa SNN, nagbigay na ng pahayag ang dalaga kaugnay ng isyung ito kasabay ng mariing pagtangi sa kumakalat na espekulasyon. " Siguro yung damit na sinuot ko noon unflattering or busog lang ako" tatawa-tawang haka pa niya sa maaaring pinagmulan ng nasabing kontrobersya. Maging ang nali-link sa dalaga na si Jake Cuenca ay nagpaunlak rin ng pahayag ukol sa naturang isyu, lalo pa't ilang araw matapos sumabog ang nasabing intriga ay mabilis nadawit ang pangalan niya. Sinasaad kasi ng follow-up ng nasabing balita na siya ang ama ng di umano'y nasa sinapupunan ni Melissa. Paggigiit nga ng binata, " Hindi naman talaga ako naniwala... Melissa is a very fine, she's a very fine young lady... Imposible naman [na ako maging ama kung sakaling totoo] kasi magkaibigan lang talaga kami ni Mel... I'm here to defend her as a friend." Source: ABS-CBN Interactive |