|
|
| Jake Cuenca, 'payuhan' mo nga si Ejay Falcon!![]() Author: Alfie Lorenzo DAHIL sa kaiiyak nila sa Bahay ni Kuya, mas tumitindi ang pamarali ng ibang reporters at ng mga nakakapanood na may pagka-bading nga sina Van at Sen. Iyakan kasi sila nang iyakan, as if proven na nila na 'yun lang ang tanging paraan para malamuyot ang puso ng mga texters na papanalunin sila (natanggal na si Sen). Papaano namang hindi mapupuna 'yang pag-iyak ng mga “lalaking” 'yan, eh iyak din si KC Concepcion sa duet lang nilang mag-ama, iyak din si Marian Rivera sa video greetings ng ama niyang nasa Madrid. Teka, kaya ba nanalo si Ejay Flacon sa PBB Teen Edition ay dahil sa iyak din niya and sob story? Speaking of Ejay Falcon, nakita namin siya papunta sa bilyaran sa Morato at tinawag namin habang nagdi-dinner kami sa Heaven & Eggs. Tinanong namin si Ejay kung bakit wala pa siyang project sa ABS. Sagot niya, nagwu-workshop pa raw sila ng mga kasama niya -- na may regular shows na, except him na big winner. Hindi pa pala nakukuha ni Ejay ang kanyang mga prizes. May mga raket naman daw sila ng Top 4 sa mga malls at 'yun ang pinagkukunan niya ng income at pambayad sa condo unit na inuupahan niya where Ronnie Liang also stays. Malayo raw kasi ang condo unit na ibinigay sa kanya ni Delfin Lee na sa Bulacan pa. Kung ipagpapalit pala 'yun ng ibang condo na nasa Quezon City ay kailangang magdagdag pa dahil iba ang price nga naman ng nasa city at sa probinsya. Mas guwapo nga si Ejay Falcon sa personal and he is improving his physique para mas lalo siyang maging macho. Tumigil muna pala sa kanyang HRM studies sa University of Manila si Ejay dahil concentrated sa showbiz career niya. Eh, ano naman ang ginagawa niya sa maghapon araw-araw na wala siyang raket? Kasi Mondays and Saturdays lang pala ang workshop hours niya. “Wala lang po, kain-tulog lang sa condo,” sabi niya na parang wala lang. Tama na naman kami debah, Donita? At sana ay tumama rin kami na may future nga sa showbiz si Ejay kahit na wala pa raw nanliligaw o nagkakagustong bading executive sa kanya sa ABS. Binigyan namin ng tip si Ejay. Humingi ikako siya ng advice kay Jake Cuenca! Ha! Ha! Ha! Ha! At 'pag sinunod o tinularan niya si Jake, siguradong magkaka-project na siya. Sige Jake, payuhan mo nga si Ejay! Ha! Ha! Ha! Ha! Kausap namin si Dingdong Dantes bago siya sumalang sa birthday concert nila ni Marian Rivera last Wednesday. Tinatanong niya if we got his message and his gift bago siya lumipad with Marian sa New Jersey. We wanted to go and watch the show, pero komo umuulan-ulan at malamig ang kuwarto ko ay hindi na lang ako sumama sa mga nurses led by Peter Ting sa pagtungo sa Araneta Coliseum. May tumawag kasi sa akin that its gonna be unfair 'pag nanood kami sa Araneta show ni Dingdong samantalang hindi kami nagpunta sa two-theater premiere night ng mga apo kong sina KC at Richard. Oo nga naman. So to be fair, naglaro na lang kami ng Luxor sa computer namin hanggang madaling-araw! Pinadalhan kami ng 10 tickets sa patron seat ng manager ni Dingdong na si Perry. Unlike Roxy Liquigan na 'di man lang kami pinadalhan ng preem tickets at pati sina Juday at Ryan na inimbita ay ginawang ordinary fan na aabangan na lang daw sa sinehan at doon iaabot ang entrance tickets! Mabuti na lang, wala si Juday dito at nasa medical mission sa Cuyo, Palawan. Source: Abante |