|
|
| Jake at Gerald, kambal sa 'Tayong Dalawa'![]() Author: Alfie Lorenzo MATAPOS ang Holy Week which was more than a Christmas Holiday for many (kasi ang Christmas konting shopping, party and exchange gifts lang, eh itong Semana Santa na ginugunita namin ang naging paghihirap ng Panginoong Hesukristo para matubos ang pagkakasala ng sanlibutan, patuloy pang dinadagdagan ng mga partygoers ang mga kasalanan nila by drinking, walang ka- tapusang lasingan, wine, women and song-kantahan, habulan sa beach, halikan, laplapan, hantingan-hindi, ka ba mapapaisip na kasali na riyan ang buntisan?), hindi lang sa mga major thoroughfares ang reklamo ng karamihan ng mga motorista na natrapik sa daan gawa ng pagkukumpuni ng mga kalye, may nagpahabol na mga galing sa Baguio na doon daw mismo sa kabayuhan sa Mines View park eh ginawa rin ang kalye kaya hindi kumikilos ang mga sasakyan doon as if ang pagkaintindi siguro ng mga motorista ay parking lot 'yung Mines View park - kasi may word na “Park” 'yung magandang view doon debah? It's a way of life na para sa maraming Pinoy kaya ang tanong: What else is new? Let me make a guess. Kambal sina Jake Cuenca at Gerald Anderson as the two David Garcia in “Tayong Dalawa” (Eh kambal?). Kambal ang naging anak ni Cherry Pie Picache na ang isa ay ipi- namigay ni Gina Pareño na na-adopt naman ni Helen Gamboa kasi patay ang sanggol na isinilang ni Agot Isidro, kaya kinailangang palitan ng buhay na sanggol para hindi matuluyan ang pag- kabaliw ni Agot. Kaya mas binebeybi ni He- len si Agot kesa kay Jake dahil hindi niya kadugo ang ampon at si Agot ang dugo at laman niya. Kaya hindi pa rin maghihirap si “Dave” kahit mapunta lahat kina Cherry Pie ang naiwang kayamanan ng namatay na ama. Debah, si Cherry Pie pala ang legal wife ni Garcia Sr.?, kaya sina Helen at Agot will be left with nothing, kasi nga naghangad sila ng kagitna kaya dalawang salop ang nawala! Naiinis lang ako sa “Tayong Dalawa” ngayon dahil sa one week na pina-plug ang ipapalabas pa sa susunod na weekend! Nagmumukha tuloy luma at replay pag played up na. “Napanood ko na 'yan nu'ng isang linggo, ah!” sey ng mayordoma ko. Source: Abante |